B-day hugot ni Bea: This year brought me so many lessons at siyempre, pain…

By Reggee Bonoan October 18,2020
share this

B-day hugot ni Bea: This year brought me so many lessons at siyempre, pain…

By Reggee Bonoan October 18,2020 - 02:19 PM

KAARAWAN ng magaling na aktres na si Bea Alonzo kahapon, Okt. 17 –— 33 years old na ngayon ang dalaga.

Bago dumating ang saktong kaarawan ay naghanda na si Bea, “It’s a special week for me because my birthday and very special din because I already got my YouTube Silver Play Button. (sabay pakita ng certificate).”

Dagdag pa niya, “I turned a year older and hopefully a year wiser din. But definitely this year brought me din so many lessons and siyempre, pain (ipinagdiinan) that I really learned from and it left me anxious and siguro worried about the future, about the uncertainty of tomorrow but dapat lagi nating hinahanap ang silver lining, di ba? May rason for everything.

“Ngayon, mas pinipili ko na lang bilangin ang mga blessings ko and ngayon I have a grateful heart and when you have blessings, kailangan sine-share mo rin ‘yun sa iba.

“So, what a better way to celebrate my birthday is to go to Saint Michael the Archangel Parish of BGC and share my blessing with my I am HOPE Team,” pahayag pa ng dalaga.

Ipinakita rin ni Bea sa kanyang YT channel ang pagpunta sa simbahan para i-share ang mga blessings na natanggap niya.

“It was a successful donation drop off,” aniya.

Busy week para sa aktres ang kanyang kaarawan dahil sa rami ng lakad niya kasama na ang board of trustees meeting ng “I Am Hope”. Laking-gulat nga niya pagdating doon dahil may pa-surprise party pala para sa kanya.

“In fairness hindi ko naisip, successful kayo,” sabi sa mga ka-team niya.

Samantala, napaka-intimate and sossy ng dinner ni Bea para sa mga kaibigan pero gindi na niya ipinakita kung sino ang mga dumating.

Samantala, sa IG post naman ni Dominic Roque ay sinadya niyang hindi batiin maghapon ang nababalitang katipan dahil bago nagpalit ng araw ay saka lang siya bumati.

Ang ganda ng larawang ipinost ni Dom na ang caption ay, “Happy birthday.” Na sinagot ni Bea ng, “Umabot!”

Umabot sa 184K likes ang larawang magkaharap ang dalawa habang kulang-kulang 3,000 naman ang mga comments na may kasama pang heart emoji.

May isang netizen (@teambeadom) pa nga ang nagsabi kay Dom ng, “BUZZER BEATER PALA PAPA DOMS! Maraming salamat Love you both!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending