TINGNAN: Malinis na Divisoria ibinida ni Mayor Isko

By Karlos Bautista October 17,2020
share this

TINGNAN: Malinis na Divisoria ibinida ni Mayor Isko

By Karlos Bautista October 17,2020 - 12:11 PM

“Kahit Sabado, tuloy ang gobyerno!”

Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno matapos niyang ibida kung gaano kalinis ang Divisoria.

Ito ay matapos na walisin ang mga kalat at buhusan ng tubig ang nanlilimahid na kalsada ng mga miyembro ng Deparment of Public Services sa Lungsod ng Maynila ngayong Sabado ng umaga.

“Umulan man o umaraw, patuloy ang ating DPS Power Sweepers sa paglilinis ng Divisoria,” ayon pa sa post ni Moreno.

Katulong din sa operasyon linis ang mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, wika pa niya.

“Dahil po sa kanila, nababawasan ang libag ng ating lungsod at napapanatili pong malinis ang Divisoria, Recto, Binondo, Asuncion at Tondo,” ayon pa kay Moreno.

 

Mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno

Mula sa Facebook page ni Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending