Daniel walang galit sa tiyahin: Tita BB is really a beautiful person
KUNG nagtatampo si BB Gandanghari sa pamangkin niyang si Daniel Padilla, kabaligtaran naman nito ang nararamdaman ng aktor para sa kanyang tiyahin. Para kay DJ, maayos naman ang relasyon nila ni BB at wala siyang masamang masasabi o maikokomento sa kapatid ng tatay niyang si Rommel Padilla. Pero aminado naman ang Kapamilya singer-actor na matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita at nagkakausap ni BB na nakabase na nga ngayon sa Amerika.
Sa nakaraang virtual mediacon para sa digital movie nila ni Kathryn Bernardo na “The House Arrest of Us”, natanong si Daniel kung kumusta na sila ng kanyang tiyahin matapos nga itong maglabas ng saloobin laban sa Padilla family.
“Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Tita BB, e. Pero tuwing nagkikita naman kami, parang lagi kaming magkasama,” pahayag ni DJ. Dugtong pa ng boyfriend ni Kath naniniwala siya na maayos at walang issue ang relasyon niya sa mga Padilla, “Ganoon naman lagi ang relasyon ko sa kanila, lalong-lalo na sa Padilla side, di ba?
“Hindi naman ako lagi nag-aalala, dahil alam kong pamilya ko iyon, kadugo ko yung mga Padilla, hindi ba? “So, every time magkikita, parang magkasama kami all the time. Walang pinagbabago. And Tita BB is really a beautiful person,” chika pa ni Daniel.
Kung matatandaan, naglabas ng sama ng loob si BB na dating si Rustom Padilla, sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube.
Aniya, parang hindi na raw siya itinuturing na kapamilya nina Robin Padilla dahil wala man lang daw ang mga ito mula nang manirahan siya sa US.
At kahit daw nitong magsimula ang COVID-19 pandemic ay dedma pa rin ang mga ito sa kalagayan niya dahil ni minsan ay hindi man lang umano siya
kinumusta.
Sa isang panayam naman, diretsahan ding sinabi ni BB na may tampo siya kay DJ dahil hindi rin daw siya tinawagan ng pamangkin noong pumunta ito sa Amerika.
“Isa yun sa mga ibinuhos ko sa vlog ko, kasi my vlog is very personal. Nagkataon na Padilla siya, so madadamay din ang pangalan niya.
“Bilang pamangkin, at magsasalita ako bilang tita, parang, I think I deserve more respect, kasi nauna kami. So, kung kaya mo akong deadmahin at pumunta kayo rito sa Amerika na hindi naman kayo magpaparamdam.
“E, hindi naman ako para pumila at magsabing nandito ako, e, nauna kami.
Yun lang ang akin,” pahayag ni BB sa nasabing interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.