Sofia Pablo tsugi sa ‘Prima Donnas’ pero hindi papatayin; Winwyn epektib na kabit

By Ervin Santiago October 16,2020
share this

Sofia Pablo tsugi sa ‘Prima Donnas’ pero hindi papatayin; Winwyn epektib na kabit

By Ervin Santiago October 16,2020 - 09:13 AM

CURIOUS ang lahat ng adik sa panonood ng GMA afternoon series na “Prima Donnas” kung paano tatanggalin sa kuwento ang karakter ni Sofia Pablo.

Kamakailan ay in-announce ng production na hindi na makababalik sa serye si Sofia na gumaganap bilang isa sa mga “Donnas” na si Lenlen.

Naglabas din ng official statement ang GMA Entertainment na hindi na makakasama si Sofia sa lock-in taping ng programa alinsunod sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi pa maaaring magtrabaho ang mga minor na 15 years old pababa.

Sa latest vlog ng isa sa cast members na si Aiko Melendez, ibinahagi ni Direk Gina Alajar kung ano nga ba ang mangyayari sa character ni Sofia.

Paliwanag ni Direk Gina, “I want to take this opportunity to clarify things kasi maraming [nagtatanong] about Sofia, kung bakit hindi na natin kasama.

“Well, the decision para mawala si Sofia sa show is not ours kasi kung kami ang masusunod, ayaw namin because Sofia is part of the show and we all love her. But then, mayroong mga kailangan kaming sundin na rules from DOLE,” esplika pa ni Direk Gina.

Dagdag ni Direk, “Nagkaroon po kami ng malaking-malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve ito but at the end of the day po, kailangan namin sumunod kaya po nawala si Lenlen.

“Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she’s being talked about. ‘Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show, hindi po namin siya pinatay,” paniniguro ng award-winning actress-director.

Samantala, patuloy na napapanood ang recap ng “Prima Donnas” sa GMA Afternoon Prime after “Ika-6 Na Utos”. Very soon ay eere na rin ang fresh episodes ng serye kaya abangan!

                           * * *

Excited na ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez na maging ganap na military reservist sa ilalim ng Philippine Marines.

“A few more weeks,” post niya sa kanyang Instagram story habang ipinapakita ang kanyang military uniform.

Ang kakayanan daw na maprotektahan ang kanyang pamilya at bayan ang nag-udyok kay Winwyn para sumali ng Army Reserve Command.

Aniya, “The biggest factor was ‘yung sinabi na you can serve your country, and you can serve people. Dun pa lang hindi na ako nagdalawang-isip kasi my heart is for service. I’m not sure if people noticed this, but ‘yung path ko laging papunta doon.

“Yes, I’m a beauty queen pero I see this as a new title, and I’m proud to share this with everyone — that I’m gonna be a reservist under the marines,” dagdag pa niya.

Samantala, puring-puri si Winwyn ng netizens sa epektibo niyang portrayal bilang mistress sa GMA drama anthology na “I Can See You: High-Rise Lovers.”

Siya ang pumapagitna sa relasyon ng mag-asawang Samantha (Lovi Poe) at Luis (Tom Rodriguez). Tutukan ang pagtatapos ng kanilang kwento ngayong gabi (Okt. 16), sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending