Lockdown hugot ni Daniel kay Kathryn: Hindi ko kayang hindi siya makita nang matagal | Bandera

Lockdown hugot ni Daniel kay Kathryn: Hindi ko kayang hindi siya makita nang matagal

Reggee Bonoan |October 15,2020
facebook
share this

Lockdown hugot ni Daniel kay Kathryn: Hindi ko kayang hindi siya makita nang matagal

Reggee Bonoan - October 15, 2020 - 04:26 PM

HINDI itinanggi nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nahirapan silang mag-shoot para sa unang digital movie series nilang “The House Arrest of Us” sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ibang-iba kasi ang nakasanayan nila noon sa sistemang ipinaiiral sa new normal bukod pa sa halos dalawang taon bago ulit sila nagkatrabaho.

Say ni Kathryn, “I think it’s very different work-wise sa nakasanayan namin on how we do shooting, kung paano kami sa set. Lahat yun iba. But most especially iba kasi first time namin gumawa ng ganito ka-light ni DJ.

“Minsan feeling ko masyado bang seryoso yung ginagawa ko sa taping, yung ganyan. Kasi parang ibang genre ito sa amin. Far from the movies and teleseryes we’ve done.

“So, du’n kami medyo nanibago and also kung paano sa set like yung tao limited. Tulong tulong talaga lahat kasi kung naka-lock-in kami ng ilang weeks dun and hindi lahat ng usual na tao na nakakasama namin sa circle puwede.

“So, isa yun sa adjustment at nag-work naman. Nagtulungan talaga lahat. Medyo nakakpanibago lang the first few days. Pero madaling naka-adjust,” kuwento ng aktres sa virtual mediacon ng nasabing pelikula.

“Kami actually ni DJ we like this set-up kasi nag-i-stick tayo sa story kung ano talaga yung linatag nung writers yuna ng ipa-follow namin.

“Kami personally we like watching series na weekly din. I think this is a good way para ma-try natin na hindi siya yung nakasanayan natin but it’s something na puwede natin gawin in the coming years.

“So, excited kami kung paano siya matatanggap ng mga tao and 13 episodes lang siya so strictly yun lang talaga. Let’s see kung magkakaroon pa ng season two or kung ano man. Pero kami, mas prefer namin yung ganito than yung daily,” ayon pa kay Kathryn.

Samantala, noong kasagsagan ng lockdown sa Metro Manila ay gumawa ng paraan si Daniel para makita si Kathryn.

“Sa sobrang hirap pinuntahan ko siya, ha. Ha-hahaha! Siguro mga dalawang araw lang kaming hindi nagkita pinuntahan ko na kasi bago mag-lockdown kami lang din naman ang magkasama.

“So, after a couple of days pumunta ako, ‘yun lang naman ang ruta ko, magkikita kami tapos uuwi rin ako, ganu’n lang hindi naman kami gumagala-gala kung saan-saan. Hindi kayang hindi magkita,” kuwento ng aktor.

Susog naman ng aktres, “Oo, hindi kaya (na hindi sila magkita).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang digital movie nilang “The House Arrest of Us” sa pamamagitan ng KTX simula sa Oct. 24 at sa iWant-TFC sa Oct. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending