Physician basag kay Ellen: Paano ka irerespeto ng mga tao sa comment mo? | Bandera

Physician basag kay Ellen: Paano ka irerespeto ng mga tao sa comment mo?

Ervin Santiago |October 15,2020
facebook
share this

Physician basag kay Ellen: Paano ka irerespeto ng mga tao sa comment mo?

Ervin Santiago - October 15, 2020 - 12:40 PM

BINASAG ni Ellen Adarna ang isang netizen na nang-okray sa kanya matapos i-post ang kanyang “piano video” habang nakikipag-bonding kay Elias Modesto.

Kinakarir talaga ngayon ng dating sexy star ang pagiging hands-on mommy sa 2-year-old na anak nila ni John Lloyd Cruz.

Super active na uli si Ellen sa pagpo-post sa social media ng mga ganap sa buhay nilang mag-ina, at ang latest nga ay ang pagtugtog niya ng piano para patulugin si Elias.

Sa kanyang Instagram page, nag-share muli ang former partner ni John Lloyd ng video kung saan makikita nga ang kanyang pagpi-piano at tinutugtog ang “Baby Shark”.

Mukhang ito ang paboritong kanta ng kanyang anak kaya inaral niya ang piyesa nang bonggang-bongga. Makikita rin sa video si Elias na sumasayaw habang tumutugtog siya.

Ang caption ni Ellen sa kanyang IG video, “This is how I hypnotize and put my son in a state of trance.” Ginamit pa niya ang mga hashtag na #hypnosis, #anendlessseaofbabysharks,  #neverending at #24/7.”

Pinusuan at ni-like ng kanyang IG followers ang bonding video nina Ellen at Elias. Marami ang nagsabi na hanga sila sa dedikasyon ng aktres sa pagiging mommy kahit na nga mag-isa lang siya ngayong nagpapalaki rito.

May ilang netizens naman ang nagtanong kung kumusta na sila ni John Lloyd at kung okay pa rin ang relasyon ni Elias sa kanyang ama.

Pero isang basher ang hindi pinalampas ni Ellen na nagsabi sa kanya ng, “Napakayabang.”

Bwelta sa kanya ng dating sexy star, “And how do you expect people in your field to trust and respect you when you write a comment like this?”

Ang tinutukoy ni Ellen ay ang nakasaad sa profile ng IG user na  “assistant physician/ shareholder” ng isang pharmaceutical product.

Hirit pa niya sa basher, “Are you sure about this?”

Wala na kaming nakitang sagot ng netizen sa mga banat ni Ellen sa kanya pero halos lahat ng followers ng dating dyowa ni Lloydie ay kumampi sa kanya sabay kuyog sa hater.

Isa si Ellen sa mga celebrities na talagang pumapatol sa mga laitera at bastos sa social media. Kapag feel niyang bweltahan at resbakan ang mga ito ay talagang papatol siya.

Kamakailan, sinupalpal din niya ang isa niyang follower na tumawag sa kanya ng “lakwatsera”. Comment ng netizen, “Dalaga ghorl? Ka laagan ba?” (Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman?)

Sey naman sa kanya ni Ellen, “Nanu man ghorl na mura ug boy na mura ug ‘ghorl’ (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki).

(Translation: Bakit pala ghorl na mukhang boy na mukhang ghorl…di ko alam kung paano kita i-address kasi nalilito ako kung babae ka or lalaki.)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa ng ex-partner ni John Lloyd Cruz, “First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”

(Translation: First, this is my life and 2nd dalaga or not, people need a break. Huwag mo masyado ipahalata ang pagka-ignorante mo ghorl na mukhang boy… hindi maganda.)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending