Kathryn naghahanda na sa beach wedding nila ni Daniel: Gusto namin simple lang, very intimate
“SIMPLE lang and very intimate na beach wedding.”
Yan ang gusto nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa kanilang kasal na posibleng maganap tatlo o apat na taon na lang mula ngayon.
Nauna nang kinumpirma ni DJ na plano niyang pakasalan si Kath bago siya mag-30 years old, gusto raw kasi niyang bumuo ng sariling pamilya habang maaga pa.
Gusto rin daw kasi niyang magkaroon ng mga anak sa edad na 30 para masabayan pa niya ang energy ng mga ito sa kanilang paglaki.
At kagabi sa virtual mediacon para sa bagong project nila ni Daniel, ang “The House Arrest Of Us”, tinanong naman si Kathryn kung naghahanda na rin ba siya para sa pagpapakasal nila?
“May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually yun naman talaga yung plan.
“Of course, agree ako kasi napag-uusapan naman namin yun. At nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin pag dumating tayo sa punto na yun.
“And now yun yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. As in lahat ng kailangan i-ready, kasi malaking step yun and pagdating un at least di ba ready na kami and relax na lang,” ang pahayag ni Kath.
Pinagpaplanuhan na rin daw nila this early ang kanilang dream wedding, “Pareho kami na yung dream wedding namin is simple lang and very intimate, yan yung beach wedding.
“So, every time tinatanong kami yan yung sinasagot namin na pareho namin hilig yung beach. Wala namang specific date na sinabi namin na kapag ganitong year kasal na.
“Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din yung mga bagay na yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So tingnan natin kung anong period,” paliwanag pa ng Box-office Queen.
Sey naman ni DJ, ayaw rin naman niyang i-pressure si Kath dahil alam naman niya ang mga priorities ngayon ng dalaga. Siyempre, hihintayin din niya ang panahon na handang-handa na rin ang aktres sa pag-level up ng kanilang relasyon.
Samantala, proud na proud naman ang KathNiel sa kauna-unahan nilang digital movie series, ito ngang “The House Arrest of Us” kung saan gaganap sila bilang engaged couple na sina Korics at Q.
“Si Korics is very similar with DJ. Yung characters nila kapag mapapanuod mo medyo similar kasi bago rin mabuo yung character, pati yung pangalan niya, tinanong din siya ng writer and tumulong siya sa pagbuo kay Korics yung character niya. So personal sa kanya yun.
“Similar I think yung pinakahawig kay DJ kung paano siya sa pamilya niya, sa mga kapatid niya. Kasi dun mapapakita kung gaano ka-protective si Korics sa sisters niya, sa nanay niya sa general.
“And siya kasi yung klase ng tao na close sa mom niya so parang natural sa kanya siguro maging kuya kasi in real life ganu’n din siya. Kuya ng lahat. Siya yung nagdi-discipline. Ganung klaseng tao,” kuwento ni Kathryn.
Promise naman ni Daniel, siguradong mag-eenjoy ang buong pamilya sa kanilang “THAOU” dahil bukod sa love story, kuwento rin ito ng dalawang pamilya na may kanya-kanyang ganap at eksena sa panahon ng pandemya.
Kaya naman natanong din ang KathNiel kung kumusta ang relasyon ng kani-kanilang family in real life.
“I think it’s safe to say na okay. Okay yung relationship ko kay tita Karla and si mama and si DJ super okay. Happy kami in real life maayos yung pamilya namin pareho.
“Siguro tumatag na rin sila over the years na lagi kaming magkasama so parang yung mga kapatid niya para ko na ring kapatid sila.
“And parang extended family ko na rin sila. So I’m happy na ganu’n yung klase ng relationship na meron kami,” chika ni Kath.
Mapapanood na ang “The House Arrest of Us” simula sa Oct. 24 via KTX.ph at iWantTFC at makakasama rin dito sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza at Alora Sasam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.