Pia apektado sa pasabog ng sisteraka: Aayusin nila ‘yan as a family... | Bandera

Pia apektado sa pasabog ng sisteraka: Aayusin nila ‘yan as a family…

Reggee Bonoan |October 13,2020
facebook
share this

Pia apektado sa pasabog ng sisteraka: Aayusin nila ‘yan as a family…

Reggee Bonoan - October 13, 2020 - 01:19 PM

NGAYONG gabi ang lipad ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach patungong United Kingdom sabi ng taong malapit sa kanya.

May personal na lakad ang dalaga roon at mukhang inaadya ng pagkakataon na pumunta ng UK si Pia kung saan nakatira ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze. Posibleng puntahan na niya ang bunsong kapatid para magkausap na sila nang personal.

Nitong Linggo ay tinilad-tilad ni Sarah ang kanyang ate Pia dahil masama ang loob nito, hindi raw siya sinusuportahan ng kapatid sa oras ng pangangailangan.

Kapag naman daw si Pia ang problemado ay palagi niya itong dinadamayan kaya naghihinanakit si Sarah.

Base sa series of post sa Instagram Story ni Sarah ay humingi siya ng tulong pinansyal mula sa ate Pia niya pero hindi siya siguro pinagbigyan dahilan kaya siya nagtatalak.

“Ang baho ng ugali mo!” ang unang post ni Sarah laban sa ateng beauty queen at nagkuwento na nga ng mga sama ng loob nito at idinamay pa ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo-Tyndall.

Sabi namin sa taong malapit kay Pia baka hindi binigyan ng tulong pinansyal ang kapatid kaya nagngangawa, “Jusko, sa tingin mo ba may pagkukulang si Pia sa kanya? Sobra-sobra pa nga, di lang financial!” pagtatanggol sa dalaga.

Base rin sa mga post ni Pia sa kanyang IG ay close silang magkapatid at sa katunayan ay si Sarah ang unang dinalaw ng ate niya noong Hulyo nang magkaroon ng biyahe palabas ng bansa.

Si Sarah ay nakatira sa London, United Kingdom at mahal na mahal ni Pia ang anak nitong si Lara na limang taong gulang na ngayon dahil lucky charm daw niya ang bagets.

Naikuwento pa ni Pia sa kanyang IG na noong ipanganak si Lara ay nanalo siya bilang Binibining Pilipinas Universe 2015 hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang magagandang nangyari sa buhay niya.

Kaya marami ang nagulat nang mabasa ng publiko ang mga pinagsasabi ni Sarah laban kay Pia.

Hiningan namin ng pahayag ang business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez at ito ang sabi niya, “This is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you.”

Binalikan namin ang taong malapit kay Pia at tinanong kung ano ang reaksyon ng dalaga sa ginawa ni Sarah, “Siyempre malungkot. Aayusin nila ‘yan as a family. Di kami nagkukulang sa pag-alalay kay Pia. Pero mahirap rin makialam kasi pamilya ‘yan,” sambit sa amin.

Samantala, tila nahimasmasan na si Sarah sa mga paratang niya sa kanyang ate dahil nakiusap siya sa publiko na huwag namang kamuhian ang kapatid base sa post niya sa IG stories.

“Stop hating on Pia.

“Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.

“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.

“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things.

“I really just want a hug. I feel so alone everyday.”

“Id rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release from within.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us.

“Even though it’s easier to just end it all.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending