LizQuen tumangging layasan ang ABS-CBN kahit malaki ang offer ng ibang TV network
ITSINIKA ni Ogie Diaz na talagang may offer sina Liza Soberano at Enrique Gil mula sa GMA 7 at TV5.
Sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube account ay ikinuwento ng LizQuen na talagang gusto nilang mag-stay sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa.
“Yung totoo, madaming mga offers sa LizQuen. LizQuen ha, kasi alaga ko na rin si Enrique Gil. May mga nag-aano ng intent, ang GMA at ang TV5 din.
“So, siyempre alam mo, Loi, ako bilang manager, ayaw ko ‘yung malaki offer neto, malaki offer neto tapos yung may katawan ayaw naman pala,” say ni Ogie.
“So, ang ginawa ko tinanong ko ‘yung LizQuen kung gusto ba nila. So sabi nu’ng LizQuen, ‘we will stay sa ABS-CBN’. Kasi gagawa naman ng paraan ang ABS-CBN para makapagpalabas kahit walang prangkisa. So eto na nga ‘yun.
“So, dahil ang alam ko din naman, ang LizQuen at ang KathNiel ay talagang pinakiusapan ng ABS-CBN na mag-stay,” pagre-reveal ni Ogie.
Ayon pa sa manager ng LizQuen ay happy naman ang magdyowa, “It’s not all about money. Ano, eh, happiness na ‘yan lalo na si Liza. Kung saan siya nagsimula, doon siya,” say ni Ogie.
When asked kung anong project na ang gagawin nila, Ogie chose to keep mum, “Ayoko namang maging mahadera na baka maudlot,” say niya.
* * *
Ibang klase talaga ang ABS-CBN.
Parang dapat iapply ang dayalog ni Maja Salvador matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.
“Hindi niyo kami mapapatahimik! hindi niyo kami mapapatumba! lalaban at lalaban kami dahil matibay kami! just like Gold, ABSCBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!!” tili ni Maja nang mawalan ng prangkisa ang network.
True enough, nagkatotoo ito kasi umabot na sa 30 million subscribers ang YouTube channel ng ABS-CBN.
With that, it only means na ito ay katumbas ng tatlong Diamond Play buttons that is given to YouTube content creator when it reachers 10 million subscribers.
Marami ang hindi makapaniwala sa major feat na ito ng ABS-CBN. Talagang kinabog nila ang ibang YouTube network channels.
What’s more amazing is that umabot na rin sa 38.8 billion ang total views of ABS-CBN’s uploaded content sa YouTube channel nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.