Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.07 milyon na | Bandera

Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.07 milyon na

- October 10, 2020 - 11:59 AM

 

Photo: CDC

Pumalo na sa mahigit 1.07 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,072,712 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 218,648.

Sumunod na rito ang Brazil na may 149,692 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 107,450 naman ang death toll sa India habang 83,507 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 42,679
– Italy – 36,111
– Peru – 33,158
– Spain – 32,929
– France – 32,583
– Iran – 28,098
– Colombia – 27,495
– Argentina – 23,225
– Russia – 22,257

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 37,110,987 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 27,897,003 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending