Bilang ng pamilyang naayudahan sa 2nd tranche ng SAP, nadagdagan pa | Bandera

Bilang ng pamilyang naayudahan sa 2nd tranche ng SAP, nadagdagan pa

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 10, 2020 - 12:50 PM

Photo: DSWD

Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Umabot na sa kabuuang 13,968,357 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8 ng gabi nitong Biyernes (October 9).

Dahil dito, tinatayang P83.5 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa second tranche ng SAP.

Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending