Litrato ni Janine Berdin viral sa socmed; nagparetoke nga ba? | Bandera

Litrato ni Janine Berdin viral sa socmed; nagparetoke nga ba?

Ervin Santiago |October 06,2020
facebook
share this

Litrato ni Janine Berdin viral sa socmed; nagparetoke nga ba?

Ervin Santiago - October 06, 2020 - 02:23 PM

IN FAIRNESS, mas marami ang napa-wow kesa sa nam-bash sa bagong itsura ngayon ng Kapamilya singer na si Janine Berdin.

Hot topic ngayon sa social media ang umano’y pagpaparetoke ng “Tawag Ng Tanghalan Season 2” sa “It’s Showtime” grand champion.

Kalat na ngayon ang mga litrato ni Janine na unang ipinost ng isang Mary Letim Ponce mula sa ML Salon and Spa.

Makikita sa nasabing photo ang singer with her purple ash blond hair na usung-uso ngayon sa mga kabataan.

May mga pumuri sa hairstyle ngayon ng dalaga pero mas maraming netizens ang nakapansin na may pagbabago sa kanyang mukha.

Ayon sa ilang nakapansin sa bagong look ni Janine, kitang-kita ang pagtangos ng kanyang ilong na mas nagpalutang daw sa taglay nitong morena beauty.

Comment ng ilan niyang fans, wala silang nakikitang masama kung totoong nagpagawa siya ng ilong dahil karapatan daw iyon ng dalaga bilang isang celebrity.

May mga humanga rin sa katapangan at pagpapakatotoo ng singer dahil very proud pa niyang ibinandera ang pagsailalim sa beauty enhancement.

“Ano nman masama kung mag pa retoke ang isang tao or artista!? Deserve nla gumanda at maging gwapo para ipakita xa mga taong mapanglait xa mga physikal na anyo. May pera sila eh! Anu ba pake nyu kung mag paretoke sila tsaka need nila ng magandang look kasi artista sila. Dyos qoe dami tlgang taong nega!” ang matapang na komento ng isang Facebook user.

Ayon naman sa isa pang nagtanggol kay Janine, “Daming kuda dito ah? I’m not a fan but real talk lang ha? lahat tayo gustong gumanda, karamihan nga sa ating mga pinoy gumagamit ng kung ano anong product pumuti at gumanda lang so anong kaibahan natin sa kanya?”

Nabasa rin namin ang sinabi ng isa niyang Instagram follower na baka raw dahil lang sa make-up kaya nagmukhang matangos ang ilong niya. Pero aniya, okay lang kung nagparetoke ang idol niya basta safe at walang magiging problema kapag nagtagal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hindi pa man nagsasalita si Janine tungkol dito, mukhang sinagot na niya ang tanong ng madlang pipol tungkol sa naging pagbabago sa mukha niya.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ang dalaga ng kanyang litrato na naka-side view kung saan kitang-kita nga ang kanyang matangos na ilong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending