Loisa, Ronnie tsinugi na rin sa bagong Kapamilya serye; Heaven kapalit ni Julia
PALAISIPAN sa supporters at ilang kaibigang reporters nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio kung bakit nawala na rin sila sa teleseryeng “Cara Y Cruz”.
Binago na ang titulo nito at ginawa nang “Bagong Umaga” base na rin sa tweet ni Direk Laurenti Dyogi nitong Okt. 4.
Nauna nang tinanggal sa proyekto si Julia Barretto dahil hindi na raw siya parte ng Star Magic at lumipat na nga sa Viva Artist Agency. Base rin ito sa kuwento ng aktres sa nakaraang virtual presscon niya.
Nagtanong kami sa ilang kakilala namin sa Kapamilya network kung bakit tinanggal na rin sa serye ang LoiNie pero walang maibigay na sagot kundi, “Wala na rin po, eh. Hindi ko alam kung bakit.”
Package deal siguro sina Ronnie at Loisa kaya pareho silang nawala sa series.
Anyway, ang suwerte ni Heaven Peralejo dahil sa pagkawala ni Julia ay siya na ang naging bida sa “Bagong Umaga” kasama sina Barbie Imperial at Michelle Vito.
“Yan ang sagot sa pagiging loyal ni Heaven,” sambit sa amin ng isang taga-ABS-CBN.
Oo nga, produkto ng “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” si Heaven kung saan si MayMay Entrata ang naging big winner. Si Heaven ay umabot sa day 72 kaya siguro tama rin lang na bigyan na siya ng lead role.
Going back to Loisa, produkto rin siya ng “PBB All In” at nabigyan na rin ng ilang magagandang proyekto pero wala pa rin kaming maisip na matinding dahilan sa pagkakatsugi nila sa nasabing serye.
Anyway, may sitsit na lilipat na rin daw kasi sina Ronnie at Loisa sa ibang talent management, true kaya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.