Joshua nagsisisi na: Ang dami kong nasayang na oras sa pagko-computer | Bandera

Joshua nagsisisi na: Ang dami kong nasayang na oras sa pagko-computer

Reggee Bonoan - October 02, 2020 - 09:42 AM

KARUGTONG ito nang nasulat namin kahapon tungkol sa chikahan at cooking session nina Erich Gonzales at Joshua Garcia.

Sa bagong vlog ng Kapamilya actress sa YouTube ay mapapanood ang pagluluto nila ng kanyang kaibigan na si Joshua ng classic Pinoy dish na adobo.

Ito raw ang isa sa specialty na itinuro kay Josh ng tatay niyang magaling magluto. Minana pa raw ito ng ama sa kanyang lola.

Maraming napag-usapan ang dalawa habang niluluto nila ang adobo, mula sa tipo ng babae ni Joshua, sa iba pa niyang mga plano sa buhay at kung ano ang wish niya sa nalalapit niyang birthday.

Sa isang bahagi ng video  natanong din ni Erich kung may regrets si Joshua sa buhay sa edad nitong 22.

“Wala naman, kasi feeling ko part ng buhay ko ang lahat ng pinagdaanan ko, part ng journey ko kung ano ang pupuntahan ko,” sagot ng aktor.

Kung may gusto namang itama si Joshua sa kanyang buhay niya, yan ay walang iba kundi ang pagsasayang niya ng oras sa computer games.

“Ang pagko-computer ko, ang dami kong nasayang na oras sa pagko-computer ko.

“Inaabot ako ng two days naglalaro lang as in araw-araw, very unproductive!  ‘Yung mga time na ‘yun sana nagbasa ako ng libro o nagpunta ako sa gym.

“Hindi ko na-balance ‘yung oras ko. Ang biggest learning ko ngayong 2020, dapat may bago ka laging natututunan para hindi ka maliitin ng iba kaya dapat nag-aaral ka,” ang pahayag ng magaling na aktor.

Marami ring realization ang aktor ngayong kasalukuyang may pandemya lalo na sa personal niyang pananaw sa buhay.

“Marami pero more on sa sarili ko like ‘yung pagba-vlog dapat matagal ko ng ginawa kasi ang daming nangyaring magagandang events sa buhay ko simula nu’ng nag-artista ako na sana na-share ko sa mga tao.

“At ngayong pandemic, na-realize ko ‘yung maliliit na bagay, ‘yung simpleng pagbabasa ng libro before hindi ko ginagawa, parang more on myself lang talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dati kasi project-project lang ginagawa ko, hindi ko namamalayan ‘yung mga taong nasa paligid ko, nawawalan ako ng time sa kanila, sa sarili ko,” pahayag pa ni Joshua.

Samantala, naaliw maman kami kay Erich dahil ang tawag niya kay Joshua ay Joshy na siya ring tawag niya kay kuya Josh na panganay na anak ni Kris Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending