Daniel gumiling-giling sa TikTok: Pampa-good vibes talaga ang KathNiel! | Bandera

Daniel gumiling-giling sa TikTok: Pampa-good vibes talaga ang KathNiel!

Ervin Santiago - October 01, 2020 - 04:37 PM

“GUMILING-GILING” ang tinaguriang King of Hearts na si Daniel Padilla sa viral na ngayong TikTok video nila ni Kathryn Bernardo.

Hataw ang pagsasayaw ng Kapamilya actor nang bigla itong umapir sa video na in-upload ni Gardo Versoza sa kanyang Instagram account.

Maraming nabigla sa biglang paglitaw ni DJ habang sinasayaw nina Gardo at Kathryn ang “Savage Love” ni Jason Derulo na patok na patok ngayon sa mga TikTokers.

In fairness, first time mapanood ng ilang netizens ang TikTok dance ni Daniel pati na rin ng girlfriend niyang si Kathryn.

Kaya naman siguradong todo pasalamat si Gardo na pumayag ang dalawa na samahan siya sa kanyang video na viral na ngayon sa social media.

Kinunan ang nasabing TikTok video habang naka-break sila sa shooting nila para sa digital movie series na “The House Arrest of Us” na pinagbibidahan nga ng KathNiel.

Kasama nina DJ at Kath dito sina Gardo, Dennis Padilla, Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Bukod dito, may isa pang video na ibinahagi si Gardo sa kanyang IG followers kasama pa rin sina Kathryn at Daniel plus ang dalawa pa nilang kasama sa “The House Arrest of Us” na sina Alora Sasam at Hyubs Azarcon.

Tuwang-tuwa naman ang mga nakapanood sa viral video at talagang special mention nila ang surprise participation ni Daniel.

Ang binata raw talaga ang nagdala sa nasabing TikTok paandar ng cast ng “The House Arrest of Us”. Kaya ang request nila, sana raw ay karirin na ni DJ ang pagiging TikToker para pampa-good vibes sa madlang pipol.

Samantala, excited na ang KathNiel fans sa “The House Arrest of Us” na isang 13-part digital movie series tungkol sa dalawang tao na na-lockdown sa isang bahay kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nilinaw nina Daniel at Kathryn na hindi ito part 2 ng kanilang blockbuster movie na “The Hows of Us” na ipinalabas two years ago.

“It’s not a sequel. Basically hindi siya connected sa ‘Hows of Us’. It’s a family series, nandun din ‘yung romance. Halo-halo siya pero it’s not related kina George at Primo’ (karakter ng KathNiel sa The Hows of Us),” ani Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending