Karla sa mga negatron: Saan po kami pupunta, e, entertainers kami, di ba? | Bandera

Karla sa mga negatron: Saan po kami pupunta, e, entertainers kami, di ba?

Ervin Santiago - October 01, 2020 - 09:37 AM

 

DUMEPENSA si Karla Estrada sa mga taong nangnenega sa mga artistang rumaraket ngayon sa digital platform dahil sa kawalan ng trabaho.

Ayon sa TV host-actress, may mga natatanggap siyang komento sa social media na tila nangmamaliit at nang-ookray sa mga celebrities na napilitan nang maghanap ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng social media ngayong panahon ng pandemya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang takbo ng showbiz industry kaya napakarami pa ring nakatengga at nganga sa trabaho.

Maraming teleserye at pelikula na ang tuluyang ibinasura ng iba’t ibang produksyon, bukod pa sa mga live shows at concerts na dapat sana’y mangyayari ngayong taon.

Kaya para kahit paano’y kumita para may naipangtustos sa kanilang mga pangangailangan, kanya-kanyang paandar ang mga artista sa Facebook, Instagram, Twitter at YouTube.

Sa nakaraang fresh episode ng “Magandang Buhay”, ipinagtanggol ni Karla ang kanyang mga kasamahan sa industriya laban sa mga “negatron” sa socmed.

“May nagsasabi ng, ‘O, lahat ng artista nasa online na kayo lahat.’ E, alam n’yo po, saan po kami pupunta, e, entertainers kami, di ba?”

“Lahat ng plataporma na kami po ay makakapagpasaya at makaka-entertain ng ating mga kababayan, especially ngayong may pandemic, ay gagawin po naming lahat iyon.

“Actually, mas maganda ang ginagawa ng mga kapatid natin sa industriya, lahat na nag-o-online at nag-e-entertain ngayon sa digital platform, kasi talagang ang laking tulong natin,” paliwanag ng nanay ni Daniel Padilla.

Pero ani Karla, mas marami pa rin naman ang sumusuporta sa pagsabak ng mga artistang awalan ng kita sa digital platforms kesa sa mga nangnenega.

“Yung isang comment na hindi maganda, ang katumbas noon ay isang libong magaganda at pasasalamat na comment na, ‘Thank you, napapasaya niyo kami. Nandidiyan kayo ngayon and everything,’ di ba?” mensahe ni Karla.

Sumang-ayon naman sa kanya ang co-host niya sa show na si Melai Cantiveros, “Kahit iba din, kahit mga simpleng tao, mga normal na tao, nag-i-stream na rin, mga vlogger, andami na nila.”

Sey uli ni Karla, “Nandiyan na sila lahat, politicians, lahat, nakakalat din ngayon sa digital, sa social media, di ba?”

Katwiran pa niya, “Of course, the actors, entertainment world, nandidiyan because we are all entertainers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At kung saan kami makakapag-entertain na plataporma, nandodoon kami. Makikita niyo kami lahat para pasayahin kayo,” aniya pa.

May sarili ring YouTube channel ngayon si Karla with more or less 200,000 subscribers habang sa Instagram naman ay meron siyang mahigit 3 million followers, at mahigit 674,000 naman sa Twitter.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending