Julia sa akusasyong walang utang na loob: Close ba sila sa akin? How should they know what I feel?
SA wakas ay naipaliwanag na ni Julia Barretto kung bakit ang Viva Artists Agency na ang bago niyang manager
Iniwan na nang tuluyan ng aktres ang Star Magic na siyang humawak sa kanyang showbiz career sa loob ng 14 years.
Hindi naging madali para kay Julia ang iwan ang Star Magic dahil sabi nga niya tahanan na ang turing niya rito dahil bata pa lang ay naroon na siya.
Aniya, “Mula nine years old sila na ang naging pamilya ko. But you know what I love about by being with Star Magic and being handled by Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole (Alberto), because there was never once that ever stop you by making a decision that you think maybe good for yourself.
“They are very supportive, very maalaga. They will instill values na madadala mo hanggang sa pagtanda mo,” aniya.
At ang dahilan kaya siya umalis ay dahil sa announcement ni Ms. Mariole na hanggang Disyembre, 2020 na lang siya at magreretiro na.
“Actually, si Tita Mariole kasi nag-announce siya ng retirement niya sa December (2020), a few months back na rin, kami-kami palang ang nakakaalam sa Star Magic, so, iyon talaga ang mga oras na you know, I really took sometime to really think and pray.
“Nag-pray talaga ako nang matindi para tulungan akong malaman kung ano pa ‘yung posibleng tahakin ko sa karera ko.
“But like I’ve said, they were always guiding me, hindi naman months, siguro a few weeks lang na usapan pagpa-plano at saka few weeks din na makapag-isip ako,” kuwento ni Julia.
Ayaw sagutin ng aktres ang tanong namin kung kailan siya pumirma ng kontrata sa Viva, “I don’t think that something we can really disclose po, Madam.”
Samantala, dapat sana ay kasama si Julia sa seryeng “Cara Y Cruz” ng ABS-CBN pero tinanggal siya dahil nag-iba na nga ng manager bagay na inamin naman ng dalaga.
“You know what, I think I would like to take this chance and opportunity to clear that out kasi may mga nabasa rin akong articles na wala namang katotohanan.
“When I made the decision to make the move to Viva, of course sa mga una kong kinausap talaga was sina Mr. M and Ms. Mariole, bakit sila, dahil sila po ang head ng Star Magic. Bilang head po, sa kanila ako nagpaalam.
“Regarding ‘Cara Y Cruz’ naman po, hindi po totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla. I was present in all our script readings, I was present for our general assembly, I was present for look test, I was present for one-on-one meetings with the director.
“Nkapag-usap na kami ng mga gagawin sa character and I’m being honest, nakapag-empake na rin po talaga ako, ready for the lock in taping.
“But last minute rin pong napagdesisyunan ng some of our heads from ABS, they would want na Star Magic talent to be taking may role sa ‘Cara Y Cruz’ which was no problem for me, no hard feelings naman, it was something that I understood and support them with kung that’s what they want.
“Yun lang naman po ang nangyari, pero wala naman yung hindi na lang ako nagpakita o nag-back out, that’s not true naman po. I had every intention to push through with ‘Cara Cruz’ as my support to our network,” kuwento ng aktres.
Si Julia sana ang lead role sa “Cara Y Cruz” pero pinalitan na siya ni Barbie Imperial kasama si Tony Labrusca.
At dahil nga sa pag-alis ni Julia sa Kapamilya network at Star Magic ay may tsikang wala siyang utang na loob sa istasyon kung saan siya nakilala at sumikat.
Medyo napataas ang boses ng aktres sa pagsagot sa isyung ito, “Close ba sila sa akin? How should they know what I feel? Hindi matatanggal sa akin ang gratefulness and my gratitude sa Star Magic.
“Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Hindi dahil sa nag-change ako ng management ibig sabihin hindi na ako grateful. That’s a misconception. People should also change, ‘di ba.
‘”They will be my family up until hanggang sa huli. At forever akong grateful kina Mr. M and Ms. Mariole because hanggang ngayong araw, hanggang kaninang umaga, nakausap ko sila, si Ms. Mariole and they’re very supportive and they always backed me up kahit anong desisyon ‘yan.
‘’They will always be where they think na ikabubuti mo, ikabubuti ng karera mo. And naiintindihan nila ang naging desisyon ko kasi magiging iba na rin ang magiging pakiramdam sa akin lalo na at wala na sila sa Star Magic.
“So siyempre for me, Star Magic is what it is today because of the two of them. We’re supportive and very understanding of me trying to make a decision for myself especially na they are both moving forward na also,” paliwanag ni Julia.
Habang sinsusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nakikipag-meeting si Julia sa Viva executives para sa itatakbo ng career niya sa mga susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.