Walang mangyayari sa petisyong maglabas ng TRO sa pagbabawal sa senior citizens na lumabas-Palasyo | Bandera

Walang mangyayari sa petisyong maglabas ng TRO sa pagbabawal sa senior citizens na lumabas-Palasyo

- September 29, 2020 - 03:38 PM

 

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na walang mangyayari sa inihaing petisyon ng isang retired government employee sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction sa restriction ng pamahalaan na nagbabawal sa mga senior citizen na lumabas ng bahay habang may pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang estado na police power na pangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Sa hirit ni Eugenio Insigne sa SC, sinabi nitong hindi makatarungan ang polisiya ng pamahalaan.

Pero ayon kay Roque, nais lamang ng pamahalaan na proteksyon ang mga senior citizen para hindi tamaan ng COVID-19.

“The Inter Agency Task Force cannot be bothered by this suit. Karapatan niya yan. Pero naninindigan po ang IATF na yung prohibition sa galaw ng senior is born by science and medicine. Sa buong daigdig po ang mga tinatamaan at namamatay sa COVID-19 ay ang mga seniors at merong comorbidities. That’s a scientific fact,” pahayag ni Roque.

Agad namang nilinaw ni Roque na hindi naman pinapangunahan ng ehekutibo ang Kataas-taasng Hukuman pero tiyak na walang mapupuntahan ang petisyon.

“At ang basehan po sa pag-exercise ng police power ay yung pangalagaan ang kalusugan mismo ng seniors. So to the petitioner, ito pong pagbabawal sa inyong movement outside of your resident except for work and to procure necessities is for your own benefit. It is to protect your lives amids the proving fact po na ang mga namamatay sa COVID-19, karamihan po senior citizens,” pahayag ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending