Vico Sotto trending dahil sa pagkastigo sa negosyante: Marami siyang violation
BUONG araw trending si Mayor Vico Sotto dahil sa viral video kung saan makikita ang pagkastigo niya sa isang negosyanteng nagsagawa umano ng illegal demolition sa isang lugar sa Pasig City.
Kinuwestiyon ng alkalde ang pagpapa-demolish daw ng nasabing Filipino-Chinese businessman sa bahay na hindi dumaan sa tama at legal na proseso.
Sa video maririnig si Vico na nagtanong sa kanyang kausap ng, “Ano gusto mong mangyari? Sabihin mo na.”
Sagot naman ng negosyante, “Alam mo ba kung ano’ng nangyari dito?”
“Oo, alam ko. Sinubukan mong mag-demolish nang may tao sa loob ng bahay,” diretsahang tugon sa kanya ni Vico at sinabing nakunan pa ng video ang ginawa nila.
Dito na pasigaw na sinagot ang mayor ng kanyang kausap, “Drug den ‘yang dinemolish ko!” Na sinagot ni Mayor Vico ng tanong na, “May karapatan ka bang mag-demolish?”
Katwiran ng negosyante, pag-aari niya raw ang lupang yun kaya ang hirit ni Vico sa kanya ay, “Bakit hindi ka tumawag ng pulis? May karapatan ka bang mag-demolish? May court order ka ba? Wala.”
Iginiit pa ng alkade, kahit pa raw may katotohanan ang sinasabi ng negosyante na drug den ang sinasabi niyang bahay ay ilegal pa rin ang ginawa niyang pagde-demolish.
“Kahit sabihin pang totoo ‘yang sinasabi mo, PDEA ka ba? PNP ka ba? May karapatan ka bang mag-demolish ng bahay? Wala,” diin pa ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes.
Ayon pa sa mayor ng Pasig, may iba pang violation na nagawa ang negosyante tulad ng maling pagkakatayo ng isang building nito kung saan ang second floor ay sinakop na ang bahagi ng bangketa.
Nakarating na rin sa kanya ang balitang nag-viral na ang video nila ng negosyante kaya sa pamamagitan ng Twitter ay nilinaw niya ang ilang punto.
“Dami nang nag-comment tungkol dito (some out of context). Marami siyang violation, pero ang MAIN ISSUE rito: Ilang beses na nilang sinubukan magpatayo ng building na WALANG BUILDING PERMIT. Tapos hinarangan ng truck at crane nila ang PUBLIC ROAD. Nakasira pa sila ng humps,” tweet niya.
Dugtong niya, inihahanda na rin ang “criminal and civil cases” laban sa negosyante.
Bukas ang Bandera sa magiging depensa at paliwanag ng nasabing negosyante sa mga naging pahayag laban sa kanya ni Mayor Vico.
Samantala, umani na naman ng papuri si Mayor Vico mula sa madlang pipol na humanga sa kanyang katapangan at paninindigan.
Comment ni @BeauSoul, “Hats-off to you Mayor Vico Sotto you are always on the side of fair and just.salute to a hands-on mayor..i admire you more..tulad mo ang dapat nakaupo sa govt..crystal clear sainyo kung anong position nyo at trabaho nyong ginagampanan. SOON U WILL OCCUPY D HIGHEST GOVT. POSITION.”
Sabi naman ni @renielluvs, “Did i just watched a pissed vico sotto for a straight 18mins, fighting for his people’s rights?! goooosshh, to have vico as the * of the ph. plus the way he fights for his people’s right. ANG SWERTE NG PASIG!!!! SANA ALL!!!”
“Buti pa kayo my totoong malasakit at tapang na ipaglaban Ang mga mahihirap.. Swerte Ng mga taga Pasig.. Great work po. 2 thumbs up Mayor,” ang sey naman ni @WaterIsCure2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.