Mga residente ng Vitas sa Maynila ipinatitigil ang demolisyon
Sumugod sa Manila City hall ang mga residente ng Katuparan village sa Vitas Tondo, Manila.
Ito ay para magpasaklolo kay Manila Mayor Isko Moreno na itigil na muna ang napipintong demolisyon habang may banta pa ng pandemya sa COVID-19.
Nagsagawa ng ‘die in protest’ o nahiga sa gitna ng kalsada ang mga residente.
Ayon kay Fe Bacaltos, isa sa mga residente na mawawalan ng tirahan, aabot sa 400 ang maaapektuhan ng demolisyon.
Nabatid na ang National Housing Authority ang magpapademolish sa dalawang gusali para bigyang daan ang road right of way para sa itatayong gusali.
Wala rin aniyang klaro ang pamahalaan kung saan sila dadalhin kapag na demolish na ang kanilang tahanan.
Hamon nila kay Mayor Moreno, panindigan ang pangako na walang Manileno na aalis ng Maynila dahil sa demolisyon habang may pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.