RHIAN sosyal na pagkain ang hinihingi para sa mga binagyo
Parang maiinit ang ulo ng mga celebrity ngayon sa social networking sites. Itong si Rhian Ramos, tila hindi nakapagpigil at talagang nagkakatsang sa ilang bashers niya sa Twitter.
Meron kasing panawagan si Rhian sa mga gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring. Kaya lang, specific ang kanyang mga hinihinging food supply.
Ayun, merong hindi nagkagusto sa kanyang message kaya tinarayan siya. Bakit daw sosyal na food ang kanyang hinihinging donation.
Sa galit siguro ni Rhian, hindi na siya nakapagpgil at talagang tumalak sa Twitter, “Nasa inyo naman kung ano ang gusto niyong ibigay eh, kaya nga may option for Maling.
Kanina humingi ako ng peanut butter, may nagdonate ng 10 jars of Speculoos Cookie Butter. “Nag thank you ako kesa humirit ng ‘wow, sosyal naman masyado’ kasi ano ba ang big deal kung gusto mong magpatikim ng masarap ang taong nasalanta para mabuhayan naman ng loob?
Tumulong kayo kesa magjudge in the comfort of your homes. Kasi I’d rather have a few smart followers than a whole lot of dumb ones, so paki unfollow na lang ako kung naartehan kayo sa suggestions ko ng donations. @mmaricel24, @marqueedude, @a_nthony2013,” mataray na litanya ni Rhian sa kanyang bashers.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.