Sa buong buhay ko, hindi ko ipagpapalit ang araw na ipinanganak si Baby Amari | Bandera

Sa buong buhay ko, hindi ko ipagpapalit ang araw na ipinanganak si Baby Amari

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

Sa buong buhay ko, hindi ko ipagpapalit ang araw na ipinanganak si Baby Amari

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 12:21 PM

NAKA-RECOVER na nang bonggang-bongga ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia tatlong linggo matapos siyang manganak sa pamamagitan ng water birth.

Sa unang pagkakataon, sabay na humarap sa madlang pipol ang mag-asawang Coleen at Billy Crawford para ikuwento ang kanilang mga experience bilang first time parents sa panganay nilang si Amari Jaden.

“Everything is good. Nakakalakad na ako ng maayos. Okay na parang ready na to resume. Kaya lang ang pahirap ngayon, wala akong oras kasi talagang maya’t maya kailangan kumain ng baby.

“Hindi kasi kami nagbo-bottle feed. Pampalakas din daw kasi kapag madalas mag-breastfeed,” simulang pahayag ni Coleen sa online show ni Vice Ganda na “Gabing-Gabi Na Vice”.

Ayon sa misis ni Billy, talagang desisyon niya ang manganak through water birth, “Yun talaga ang gusto ko. Gusto ko walang meds and gusto ko water birth pero sa hospital.

“Kaya lang since COVID, bawal ang water birth sa hospital. So hindi siya naging option. Nalulungkot na lang ako nang nalulungkot kasi bawal si Billy sa delivery room.

“Gusto ko talaga na nandoon siya. Parang naging malaking deciding factor din yun, na gusto ko kasama si Billy talaga sa moment na yun,” lahad ng aktres.

Samantala, naging emosyonal naman si Billy nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya ngayong tatay na siya.

“Sobrang araw-araw ako talaga nagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan kami. Hindi ka lang makapaniwala.

“Alam natin na lahat tayo may pinagdadaanan sa buong mundo. Pero yung mafi-feel mo sometimes na, ‘Lord alam kong hindi ko deserve ito pero binigay mo pa rin,’ doon ako talaga nagpapasalamat. Hiningi ko, binigay niya,” pahayag ng TV host-actor.

Aniya pa, mas minahal at mas na-appreciate pa niya ang mga ina nang masaksihan ang panganganak ng kanyang asawa.

“Once yung experience na makikita mo yung natural birth at its finest, yung nasasaktan siya (Coleen) pero isinasakripisyo niya lahat para malabas lang yung anak mo, yung pagmamahal mo at yung beauty ng moment na yun, hindi mo mae-explain.

‘Sa buong buhay ko, hindi ko ipagpapalit yung day na pinanganak yung anak namin,” maluha-luhang pahayag pa ni Billy.

Tungkol naman sa pangalan ng kanilang panganay na Amari Jaden, paliwanag ng singer-actor, “Matagal na sa ulo ko ang Amari. Sabi ko lang sa kanya before pa na kapag nagkaroon kami ng lalaki, gusto ko ipangalan Amari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ni-research ko yung pangalan. Kapag babae, promised by God. Kapag lalaki naman, it means strength,” aniya pa.

Sabi naman ni Coleen, yung Jaden daw means “thankful”, “Gusto namin na habang tumatanda siya, maalala niya na at this moment, ito yung pinaka-thankful talaga namin kasi sobra sobra, halos araw-araw umiiyak kami.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending