Ellen rumesbak sa lalaking nanghingi ng nude photo; magnanakaw 'di umubra kay Tom | Bandera

Ellen rumesbak sa lalaking nanghingi ng nude photo; magnanakaw ‘di umubra kay Tom

Ervin Santiago |September 28,2020
facebook
share this

Ellen rumesbak sa lalaking nanghingi ng nude photo; magnanakaw ‘di umubra kay Tom

Ervin Santiago - September 28, 2020 - 09:10 AM

BASAG na basag kay Ellen Adarna ang isang lalaking netizen na nambastos sa kanya sa social media.

Hindi pinalampas ng dating dyowa ni John Lloyd Cruz ang isa niyang follower sa Instagram na nanghingi ng hubo’t hubad niyang litrato.

Talagang hiniya siya ng dating sexy star sa publiko matapos ibandera ang pangalan at litrato nito at ipangalandakan ang ginawa sa kanya.

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kanya ng lalaki na nanghihingi nga ng nude photos niya.

“This fool,” ang inilagay niyang caption sa kanyang post na pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga fans.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Ellen sa kanyang followers ang Facebook profile ng netizen para ipaalam kung sino ang taong nagpadala ng “indecent message” sa kanya.

“I got you @aldwin_is_ace. Only a fool,” ang caption ni Ellen sa nasabing post. Wala pang sagot ang nasabing netizen sa sumbong ng celebrity mom.

Bukas ang BANDERA sa paliwanag ng lalaking tinutukoy ni Ellen.

* * *

Nagbabala naman ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa mga “magnanakaw” sa social media.

Nagpahayag ng pagkaalarma ang binata sa dumaraming kaso ng “phishing schemes” sa socmed o ang paglaganap ng sindikatong sangkot sa pagnanakaw ng mga personal na detalye ng netizens.

Nabiktima rin kasi si Tom ng nasabing modus kaya nagpaalala siya sa publiko sa pamamagitan ng Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “Don’t be a victim of these ‘Phishing’ schemes. Kahit may blue check mark pa, hindi ibig sabihin legit.

“Nanakawin lang ang details nyo ng site nila since nakaw lang din ang account na to,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending