GRETCHEN ang cheap makipag-away, mas masahol pa raw sa palengkera | Bandera

GRETCHEN ang cheap makipag-away, mas masahol pa raw sa palengkera

Jobert Sucaldito - August 24, 2013 - 03:00 AM


NABASA ko ang batuhan ng maaanghang na salita nina Gretchen Barretto at basher nito sa Instagram named @marjoriekabit and we find the conversation distasteful.

Sobra ang pagka-Patola Queen (patol nang patol) ni Gretchen sa isang stalker daw nila whom she presumed to be her sister Claudine.

Lahat ng sinasabi ng stranger na basher ay pinapatulan ni Greta – and very personal ang kanilang away sa Instagram. (Pasensiya na po kayo at hindi ako masyadong nakaka-relate sa mga ganitong uri ng social media dahil I don’t have a Twitter account and Instagram).

Nasagwaan ako nang nagbabatuhan sila ng dirty linens nila sa social media.Si Gretchen ang siyang identified sa kuro-kuro while ang kalaban niya (kung sino man siya) ay nagtatago sa isang screen name.

Talo si Greta dito dahil siya ay kilala ng kalaban niya pero yung @marjoriekabit ay pini-presume niyang si Clau. Puwedeng ang sister nga niya iyon pero puwede ring hindi kaya mas lamang ang pagkatalo dito ni Gretchen.

Nagtatarayan sila in English nga lang tungkol sa pagiging kabit diumano nina Gretchen at Marjorie – paano raw naa-afford ni Marj na pag-aralin sa expensive schools ang mga anak gayong jobless naman daw siya, may kabit daw kasing mayaman si Marj – ang pagiging mistress ni Greta at pagka-illegitimate child ng daughter nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique.

Malaman ang kanilang away pero nasasagwaan talaga ako dahil magkapatid pa rin sila ni Claudine at ganoon pala ang tratuhan nila sa isa’t isa.

Yes, kung babasahin mo between the lines, parang si Claudine nga ang kaaway niya pero puwede rin talagang hindi dahil hindi niya gamit ang real name niya, di ba?

Pero tuwing sinasabi ni Greta sa message niya na dapat ay magpatingin na ang kaaway either sa Medical City or sa rehab – ang paghiwalay nila ni Raymart , ang pagiging kabit din daw ni Claudine ng ilang pulitiko – ang sama! Sobra!

Ano bang klaseng mga tao ito? Para silang mga tagaibang planeta. Nakakalungkot naman ang sinapit ng magkakapatid na ito. Bastusan kung bastusan.

Kulang na lang ay ilabas nila ang mga pukengkeng nila sa pagbabastusan nila. I felt really sad for the Barrettos on this issue. Halimbawa lang, for the sake of argument, si Claudine nga yung kasagutan ni Gretchen sa Instagram, this will make matters worst.

Mas gusto ko pang makabasa siguro ng mga putatsing na taga-squatter na nilalapastangan ang isa’t isa pero wala nang ganoon ngayon – even prostitutes know how to deal with life, how to behave in public – not as nasty as the supposed sosyal sisters sa showbiz.

Pero kung hindi naman iyon si Claudine, what does this make of Gretchen? Cheap na palengkera? Sagwa kasi ng tabas ng bibig niya – fighting with a sister and exposing their kabahuan in public. Pathetic, di ba?

Kaya na-realize kong mas maganda pa ang buhay ng karamihan sa atin – kahit mahirap lang pero hindi tayo nagbababuyang magkakapatid sa harap ng publiko.

Kahit may mga konting diffrences man tayo halimbawa with some members of our family pero di-hamak naman palang mas disente tayo compared sa kanila.

“Hindi ko maintindihan ang drama ng mga Barrettos talaga. Naaawa ako tuloy sa mga magulang nila at ibang mga nananahimik na kapatid.

Mas humahanga pa ako actually kay Marjorie kaysa kina Clau and Greta dahil in fairness to her, kahit kakampi nito sa maraming aspeto si Gretchen pero tahimik siya in many ways.

Mahirap din ang situwasyon niya dahil ipit siya sa away nilang magkakapatid and wala siyang choice yata kungdi ang mag-side kay Gretchen dala ng malaking utang na loob.

Hay naku, mabuti na lang at Santos ang apelyido ko, hindi Barretto,” anang kaibigan naming babae. Eh, ganoon na rin ang reaction ko – salamat at Sucaldito ako. Ha-hahaha!

At least, nakataas ang noo ko sa public dahil wala sa pamilya namin ang nagbabatuhan ng putik kahit saang social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending