Liza kinasuhan na ang netizen na nasa likod ng ‘rape joke’, dapat daw turuan ng leksyon
KINASUHAN na ni Liza Soberano ang empleyado ng isang internet provider ngayong umaga sa Quezon City Hall of Justice.
Kasusulat pa lang namin dito kahapon na nakikipag-usap na ang dalaga at ang manager niyang si Ogie Diaz sa kanilang abogado para sa legal action nila hinggil sa viral “rape comment” ng idinemanda.
Kasama ni Liza si Ogie at ang abogadong si Atty. Jun Lim ng Lim-Yutatco-Sze law office na nagpunta at nanumpa kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion.
Base sa pahayag ng legal counsel ni Liza, ang “sarap ipa-rape” post sa Facebook ay, “clear violation of Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.”
Sabi ng aktres, below the belt na ang komentong ito sa kanya ng nasabing empleyado.
“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago.
“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape.
“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,” katwiran ng dalaga.
Dagdag pa ng young actress, “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.
“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online.
“I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” aniya pa.
Bago ang pagsasampa ng demanda ni Liza, naglabas na ng official statement ang internet service provider na pinapasukan ng netizen na nasa likod ng “rape comment” at nagsabing hindi nila tino-tolerate ang mga empleyado nilang nagra-rant sa social media tungkol sa mga customer nila. Under investigation na raw ang nasabing pangyayari.
Naglabas na rin ng public apology ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng kanyang Facebook page pero ipinagpipilitan pa rin niyang pribadong usapan ang nag-viral sa socmed.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.