GRETCHEN, CLAUDINE mas tumindi pa ang bangayan, personalan na | Bandera

GRETCHEN, CLAUDINE mas tumindi pa ang bangayan, personalan na

Cristy Fermin - August 24, 2013 - 03:00 AM


Habang nananalanta nang todo ang bagyo sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ay meron din palang nagaganap na upakan sa Twitter sa pagitan ni Gretchen Barretto at ng isa niyang basher.

Ginamit pa ng basher ang pangalan ni Marjorie Barretto, pero meron nang ideya si Gretchen kung sino talaga ang kanyang kasagutan, maraming dahilan kung bakit ipinapalagay ng aktres na ang bunso niyang kapatid na si Claudine ang nang-aaway sa kanya.

Sa tanong ng isa niyang follower kung paano niya nalaman na si Claudine nga ang naninira sa kanya ay sinabi ng aktres na kilalang-kilala niyang magsalita ang kanyang kapatid, alam niya na si Claudine ang nagtu-tweet sa kanya at nang-aaway, dahil ang mga sinasabi nitong sitwasyon ay dati nang sinasabi sa kanya ni Claudine nu’ng magkakaayos pa silang magkakapatid.

Nakakawindang ang mga payo ni Gretchen sa kanyang basher, sana raw ay ayusin na lang nito ang kanyang sariling buhay, meron pang sinabi si Gretchen na napurdoy na ang kanyang ka-tweet mula nang iwan ito ng kanyang mga politikong karelasyon.

Pinagpayuhan din ng aktres ang kanyang kasagutan sa Twitter na dumalaw sa isang ospital o isang rehabilitation center, sinabi rin niya na tapos na ang maliligayang araw nito, dahil nag-file na ng annulment ang kanyang mister.

Lumabas na sa ating bansa ang bagyo, pero ang upakan sa pagitan ni Gretchen Barretto at ng kanyang basher ay nasa kasagsagan pa, enjoy na enjoy naman sa pagsunod-pagtutok sa kanilang away ang ating ma kababayan.

At hindi lang si Gretchen ang sinisiraan ng kanyang kasagutan, pati ang kanyang kapatid na si Marjorie ay ganu’n na lang kung pagsalitaan nito, napakarami ring rebelasyon ng basher ni Gretchen laban kay Marjorie.

Nabuhay na naman ang laban ng magkapatid, namahinga lang ‘yun nang sandaling panahon, pero ngayon ay super-personalan na naman ang kanilang labanan.

At sosyal ang kanilang balitaktakan, Inglisan sila nang Inglisan, pero parang pampalengke pa rin ang kanilang away.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending