Lea ibinandera ang ginawang ‘healing bread’, netizens takam na takam
BUKOD sa pagsali sa mga charity projects ngayong panahon ng pandemya, nahihilig na rin ang Broadway star na si Lea Salonga.
Isa na rin ngayon sa mga pinagkakabalahan ng singer-actress habang naka-stay at home ang pagbe-bake.
Sa kanyang social media accounts, ipinost ni Lea ang ginawa niyang tinapay na tinawag niyang “healing bread.”
“We come together over one of the most basic things: bread. Home baked bread,” aniya sa caption.
Dugtong pa niya, “The members of my little family engage in different activities throughout the day (Nic is back in school now), but we do come together for meals which often includes this bread. It’s hearty and healing, and we all enjoy eating it.”
Aniya pa, excited na siyang mag-bake ng iba pang klase ng tinapay na nais niyang ipatikim sa kanyang pamilya.
“Here’s to many more loaves to come, and many more simple meals to share!” sabi pa ng isa sa coach ng The Voice of the Philippines.
Kung matatandaan, sinabi ni Lea sa isang panayam na isa sa mga paborito niyang bine-bake ngayong panahon ng quarantine ay Japanese milk bread.
Kuwento ng award-winning singer-actress, nakita raw niya ang recipe nito sa New York Times at sa ilang YouTube videos.
Narito naman ang tips niya sa mga nais ding matutong mag-bake, “If your first loaf is a fail, don’t let this discourage you from trying again.
“Look online for pro tips (there are a lot of them) as well as well-loved recipes. Once you get the hang of baking a basic loaf of bread, the possibilities are endless!” sey pa ni Coach Lea.
In fairness, mukhang masarap nga ang tinapay ni Lea tapos meron ka pang mainit na kape. Perfect ito lalo na ngayong panay na ang pag-ulan.
May mga nag-comment naman na pwede itong karirin ni Lea bilang negosyo para mas marami pa raw ang makatikim ng kanyang “healing bread.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.