Reunion project ng 'T.G.I.S.' barkada posibleng matuloy na sa 2021 | Bandera

Reunion project ng ‘T.G.I.S.’ barkada posibleng matuloy na sa 2021

Ervin Santiago - September 23, 2020 - 09:16 AM

 

POSIBLENG matuloy na sa 2021 ang reunion project ng “T.G.I.S” cast na dapat sana’y mangyayari ngayong taon.

Iyan ang ibinalita ng isa sa mga bida ng dating Kapuso youth-oriented show na “T.G.I.S” na si Angelu de Leon recently.

Napapanood uli ngayon ang nasabing barkada series sa Heart of Asia channel at GMA Network YouTube Super Stream.

Sa panayam ng GMA, sinabi ni Angelu na natutuwa siyang malaman na marami pa rin ang nanonood ng “T.G.I.S”.

At positibo naman ang natatanggap niyang reaksyon hindi lang sa original fans nito kundi pati na rin ang bagong henerasyon ng mga kabataan ngayon.

Sey ni Angelu, kahit mahigit dalawang dekada na ang lumipas, makaka-relate pa rin ang publiko sa tema at istorya ng show.

“Nakakatuwa siya kasi gusto kong malaman kung ano ‘yung iniisip nila. Dati kapag napanood nila ‘yung T.G.I.S. wala silang cell phone na nakikita.

“Malalim ‘yung kwento, maraming pinagdadaanan and bukod sa lahat, I think ito ‘yung maiiwasan, e, everybody longs for a good relationship, good barkada,” pahayag pa ni Angelu.

Kamakailan naman ay nag-celebrate ng 25th anniversary ang cast members ng “T.G.I.S.” via video call kung saan nakasama ni Angelu sina Bobby Andrews, Ciara Sotto, Polo Ravales, Michael Flores at iba pa. Kanya-kanya silang kuwento ng mga hindi malilimutang experience nila sa programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa grupo, kung hindi nangyari ang COVID-19 pandemic, baka ngayong taon naganap ang kanilang reunion project na regalo nila sa mga loyal fans ng “T.G.I.S.” na matagal nang nagre-request na magsama-sama uli sila sa isang proyekto.

“May soft promise na we will still try to do it. Probably next year after the pandemic na talaga nang mae-enjoy din ng lahat,” pahayag ni Angelu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending