Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, halos 230,000 na | Bandera

Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, halos 230,000 na

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 20, 2020 - 04:21 PM

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (September 20), umabot na sa 286,743 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 51,894 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,311 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 55 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,984 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 20,021 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 229,865 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending