DOTr istriktong ipapatupad ang isang metrong social distancing sa mga sasakyan
Nagpahayag ang Department of Transportation (DOTr) ngayong Sabado na mahigpit nitong ipatutupad ang patakarang isang metrong distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan alinsunod sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nagsalita na ang Pangulo. Agresibo nating tutuparin at mahigpit nating ipapatupad ang isang metrong physical distancing sa lahat ng pampublikong sasakyan,” ayon sa pahayag ng DOTr na nakasulat sa wikang Ingles.
Nakatakda sanang bawasan ng DOTr ang distansya ng mga pasahero sa isa’t isa sa loob ng sasakyan kung saan gagawin na lamang 0.75 metro ang pagitan sa halip na isang metro gaya ng itinatagubilin ng World Health Organization.
Nasuspinde ang implementasyon nito at ngayong Sabado ay inanunsyo ni Secretary Harry Roque na tutol ang Pangulo sa planong ito.
“Nag-desisyon na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon po ng Presidente, mananatili po ang one-meter social distancing sa pampublikong transportasyon,” ayon kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.