Mga kumpiskadong gadgets ng BOC dapat ibigay sa mga estudyante--Imee Marcos | Bandera

Mga kumpiskadong gadgets ng BOC dapat ibigay sa mga estudyante–Imee Marcos

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 18, 2020 - 05:00 PM

Imee Marcos

Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Bureau of Customs na i-donate na lang sa mga mahihirap na estudyante ang mga nakumpiskang cellphones at laptops.

Ayon kay Marcos kung nagawa ng kawanihan na magbigay ng halos 800 smuggled vehicles sa PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno, wala siyang nakikitang dahilan para hindi ipamahagi ang mga nakumpiskang electronic gadgets na magagamit ng mga estudyante.

Pangamba ng senadora, ngayong in-demand ang electronic devices, posible na marami ang magtatangka na magpuslit papasok ng bansa ng mga cellphones, tablets at laptops.

Noong nakaraang buwan 29.5 tonelada ng cellphones, storage devices at electrical items ang kinumpiska ng Customs Bureau dahil walang mga papeles.

Samantala noong 2019, P100 milyon halaga ng cellphones at tablets mula Hong Kong ang nasabat sa Clark Freeport Zone at sinundan ito ng pagkakakumpiska ng P15 milyon halaga ng second hand cellphone units mula naman South Korea.

Sinabi ni Marcos na kung didinggin ng Bureau of Customs ang kanyang panawagan at sulitin na ng kawanihan ang pagtulong sa pamamagitan nang pamamahagi sa mga bata ng mga cellphones, tablets at laptops bago ang muling pagsisimula ng klase sa Oktubre 5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending