Never mawawala sa puso at isip ko ang ABS-CBN, hanggang sa muling pagkikita | Bandera

Never mawawala sa puso at isip ko ang ABS-CBN, hanggang sa muling pagkikita

Ervin Santiago - September 18, 2020 - 09:43 AM
BAGO tuluyang lisanin ang ABS-CBN at lumipat sa TV5, isang mahabang

mensahe ng pasasalamat ang ipinahatid ni Korina Sanchez sa Kapamilya Network.

Idinaan ng veteran broadcast journalist sa Instagram and kanyang nais ipahatid sa lahat ng nakasama niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya nang napakahabang panahon.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang pagmamahal at suportang ibinigay sa kanya ng istasyon bilang news anchor at TV host sa loob ng tatlong dekada.

“Wherever I am now and wherever I’ll be, I am and will always be, hugely, a product of ABSCBN. From 23 years old (practically just graduated from school) to just very recently, I was one of those very first on-air when the dictatorship toppled, democracy was restored and the network reopened in 1987. And till the day it shut down in 2020 I was still frontlining.

“So many parts of the world I traveled, so many people I met and learned from, so many stories I was entrusted to tell, so many battles and even more memorable victories, so many opportunities to be of service to others — because of ABSCBN.

“My experiences, my knowledge, my exposure, my life grew with the network through more than 30 years working with the men and women who are ABSCBN. The Lopez Family and all my superiors from then till now had given me all the space to grow, contribute, make mistakes and then grow more,” bahagi ng caption ni Korina sa kanyang throwback photo sa Instagram.

Patuloy pang mensahe ng misis ni Mar Roxas, “Napakaraming kwento, napakaraming eksena, away-bati, tampuhan, pagmamahalan, iyakan,

sagarang trabahong walang tulugan, mga tawag sa principal’s office, mga medalyang sinabit sa leeg ko, mga litrato, mga video, mga programa…Napakaraming mga hindi na maikukuwentong censored na episode… Ito na ang naging buhay ko at ni sa hinagap di ko naisip na

biglang mawawala. Sa ngayon.”

“Pero never mawawala sa puso at isip ko ang ABSCBN. Hindi na ako magpapasalamat kasi kulang na kulang ang salitang “salamat” sa

pagkakataong ito. Ganito nalang: hanggang sa muling pagkikita,” ayon pa kay Korina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending