Boobay, Tekla nagkapikunan sa taping ng 'TBATS', nagsigawan sa harap ng guest | Bandera

Boobay, Tekla nagkapikunan sa taping ng ‘TBATS’, nagsigawan sa harap ng guest

Ervin Santiago |September 18,2020
facebook
share this

Boobay, Tekla nagkapikunan sa taping ng ‘TBATS’, nagsigawan sa harap ng guest

Ervin Santiago - September 18, 2020 - 09:08 AM

NAGSIGAWAN at nagkainitan sa taping ng “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ang dalawang host nitong sina Boobay at Super Tekla.

Kalat na ngayon ang isang video kung saan makikita ang mag-partner na Kapuso comedian na nag-aaway sa mismong harapan ng mga guest nila sa show.

Sa nasabing behind-the-scene video na naka-upload sa Facebook page ng kanilang programa, kitang-kita at rinig na rinig ang pagpapalitan ng maaanghang na salita ng dalawang host.

Kung matatandaan, kababalik lang sa taping ng “TBATS” para sa mga bago nilang episodes ngunit tila nabahiran ng hindi pagkakaunawaan ang muling pagsabak sa trabaho ng tinaguriang fun-tastic duo.

Maririnig sa video na inaawat na sila ng mga kasamahan nila sa studio pati na ng direktor ng “TBATS” pero tuluy-tuloy pa rin sila sa kanilang pag-aaway.
Pati nga ang isang security staff ay pumagitna na sa stage para siguruhing hindi magpapang-abot sina Boobay at Tekla.

Dialogue ni Tekla, “Marami akong problema, Boobay, ‘wag ka nang dumagdag ah. Ang dami kong pinagdadaanan, Boobay. Ang dami kong problema.”

“Bastos ka Boobay, dati pa ganyan ka na…naku, babasagin ko yang mukha mo,” banta pa ni Tekla sa kanyang katandem.

Sinabihan naman ni Boobay si Tekla na respetuhin naman daw ang oras ng mga guest nila (Jason Abalos at Vickie Rushton) at huwag namang magmumura. Ibig sabihin, mukhang isa sa mga rason ng gulo ay ang posibleng pagka-late ng komedyante.

Naputol agad ang video kaya hindi nalaman ng mga nakapanood nito kung ano ang naging ending.

Hanggang ngayon ay wala pang official statement ang production ng “TBATS” kung ano na talaga ang tunay na nangyari sa taping.

Totoo nga kayang nagkapikunan ang dalawa habang nakasalang sa  taping para sa episode na ipalalabas ngayong darating na Linggo, Sept. 20? O, baka naman bahagi lamang ng isang prank ang nasabing eksena?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending