FDA nagbabala: Huwag bumili ng Reno, iba pang di rehistradong produkto | Bandera

FDA nagbabala: Huwag bumili ng Reno, iba pang di rehistradong produkto

Karlos Bautista - September 17, 2020 - 10:22 AM

Paborito mo bang palaman sa pan de sal ang Reno River Spread?

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) na huwag bilhin at gamitin ang Reno dahil kabilang ito sa mga produktong hindi rehistrado sa ahensiya.

Maliban sa sikat na palaman, hindi rin rehistrado sa FDA ang sumusunod:

  • Miracle White Advance Whitening Capsules Food Supplement
  • Turcumin 100% Natural & Standardized Turmeric Curcumin
  • Desa Spanish Style Bangus in Corn Oil a
  • Samantha’s Dips and Sauce Spanish Sardines Paste Sauce.

Sinabi ng FDA na batay sa online monitoring at post-marketing surveillance ng ahensiya, ang mga produktong ito ay napatunayang walang Certificates of Product Registration.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9711, na lalong kilala sa  “Food and Drug Administration Act of 2009,” ang paggawa, importasyon, pag-advertise, at pagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto ay ipinagbabawal ng batas.

Ang mga ganitong produkto ay hindi dumaan sa masusing ebalwasyon ng FDA at sa gayon ay walang kasiguruhan na epektibo at ligtas na gamitin o ikonsumo ng mamimili, ayon pa sa ahensiya.

Mahaharap umano sa regulatory actions at sanctions ang mga establisyementong lalabag at patuloy na magbebenta ng mga produktong hindi rehistrado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending