Barbie mas mabilis nang umiyak dahil kay Cherie Gil; Jennylyn nag-sorry sa Seoul Drama Awards
AKTRES na aktres na nga ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza!
Sa recent episode kasi ng “Home Work”, nagpa-sample ang dalaga ng mga natutunan niya mula sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil.
Ilang segundo lang ay nagawa nang umiyak agad ni Barbie, kaya napahanga niya ang host ng programa na si Rovilson Fernandez.
Kuwento ni Barbie, sumali siya sa acting class para maiwasan ang boredom habang naka-quarantine at para mas mahasa ang talent sa pag-arte.
Aniya, “Nu’ng nagsimula po talaga tayo ng quarantine, wala na po talaga akong ginawa.
“Perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct s’ya ng online masterclass. Sabi ko, what better way na matuto kung ‘di learn from the best,” lahad ng girlfriend ni Jak Roberto.At dahil dito, asahan na ang mas malalim na hugot sa akting ni Barbie at huwag na rin tayong magtaka kung magbilang na rin siya ng actimg trophy sa mga susunod niyang proyekto.
Napapanood ang “Home Work” ng “New Normal: The Survival Guide” tuwing Huwebes, 9:15 p.m. sa GMA News TV.
* * *
Matapos tanggapin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards, sina Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado at Direk Dominic Zapata naman ang tumanggap ng award ng “Descendants of the Sun” na Most Popular Foreign Drama of the Year.
Sa pre-recorded speech nila, nagpahayag ang dalawa ng pasasalamat sa Seoul International Drama Awards committee.
Ayon kay Jennylyn na gumaganap bilang si Dra. Maxine, “I would like to thank Seoul International Drama Awards for awarding our show, Descendants of the Sun, as the Most Popular Foreign Drama for 2020.
“We’re so sorry we cannot make it for the awards ceremony but, nonetheless, it’s truly an honor that our love and passion for telling stories in television is recognized internationally,” aniya pa.Pahayag naman ni Direk Dom, “On behalf of the creative team, staff and crew, and the management of GMA Network Philippines, thank you so much to the Seoul International Drama Awards for this honor.”
Samantala, malapit nang magbalik sa telebisyon ang “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad block kaya abangers na kayong lahat!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.