#SanaAll: Ivana niregaluhan ng bagong property ang kapatid | Bandera

#SanaAll: Ivana niregaluhan ng bagong property ang kapatid

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 09:38 AM

 

HASHTAG #SanaAll ang sigaw ng mga fans at social media followers ni Ivana Alawi dahil sa bongga at bago na naman niyang paandar!

Sana raw, lahat ng kapatid ay kagaya ng Kapamilya sexy actress na walang ginawa kundi ang bigyan ng sorpresa ang kanyang pamilya.

Sa bagong YouTube vlog ng dalaga, ibinandera niya ang regalo para sa kanyang Kuya Hash — isa lang naman itong property na maaari nitong patayuan ng bagong bahay.

Chika ni Ivana, simple lang kasi ang kapatid niya at walang kahilig-hilig sa mga materyal na bagay kaya naman ang naisip niyang iregalo rito ay sariling lupa.

Malapit lang din daw ang nasabing property sa ipatatayo nilang bagong bahay sa isang subdivision kaya hindi rin sila magkakalayo sakaling maipatayo na ng kuya niya ang dream house nito.

Sey ni Ivana, “Goal ko kasi lahat kami nasa isang subdivision. Para sama-sama. Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw ng mga bag, ayaw niya ng mga ganun. Simpleng tao lang siya eh.”

“Ang tagal kong pinrepare na bilhan na lang siya ng lupa niya. At least ito ‘di ba, magagamit niya, pwede niya ipantayo sa magiging asawa niya at mga anak niya for the future. At least ito, hindi masasayang,” dagdag pang chika ng sexy star.

Hindi makapaniwala si Hash nang ibigay na sa kanya ng kapatid ang titulo ng lupa at inakala pang pina-prank lang siya ng pamilya.

“Why does it have my name? Is this a prank? No way. Are you pranking me?” sabi ni Hash.

Sagot naman ni Ivana, “You said you don’t want stuff, so we decided to get you a land.”

Dito na napaiyak ang binata at todo ang pasasalamat sa nakababatang kapatid, “It’s too much, Mariam (Ivana). I can’t believe it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sinamantala na rin ng nanay nina Ivana at Hash kung gaano siya ka-proud sa dalagang anak, “Alam mo, I’m super proud of this young, beautiful lady here beside me.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending