outbrain

Korina umaming kinilig kina Bossing, Robin, Jericho: Meron silang kamandag

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Korina umaming kinilig kina Bossing, Robin, Jericho: Meron silang kamandag

By Ervin Santiago September 16,2020 - 10:20 AM
PARA kay Korina Sanchez, may tatlong male celebrities sa local showbiz na talagang matindi ang taglay na “kamandag”.
Sa nakaraang guesting ng veteran broadcast journalist sa online talkshow ni Vice Ganda na “Gabing-Gabi Na Vice” pinangalanan niya ang tatlong aktor na aniya’y may kakaibang magic at karisma.
Tinanong kasi siya ni Vice kung sinu-sino sa mga male stars sa bansa ang may hatid na kilig sa kanya nang maka-one on one interview niya.
Diretsahang sinabi ng misis ni Mar Roxas na isa sa “pinaka-sexy” para sa kanya ay ang TV host-comedian na si Vic Sotto. Kakaiba raw kasi ang datingan ni Bossing.
“I feel talagang very sexy, meaning parang nakakatakot. Alam mo ‘yung kapag nakaharap mo parang nakakatakot?
“I really feel that one of the sexiest men I’ve interviewed is Vic Sotto. Gulat ka ah?”
“Kapag si Vic kaharap mo, talagang si Vic, may something,” chika pa ng news anchor patungkol kay Bossing.
Binanggit din niya ang pangalan ng action star at award-winning Kapamilya drama actor na sina Robin Padilla at Jericho Rosales na aniya’y talagang may matinding “kilig factor” kapag nakaharap at nakausap mo na.
“Iyong tatlong ‘yan, sa mga na-interview ko ha, talagang meron silang tinatawag na kamandag,” sey pa ni Korina.
Hirit naman ni Vice sa kanyang choices, “Ang lalakas ng sex appeal ng mga nabanggit mong lalaki.”
Samantala, natanong din si Korina kung ganu’n din ang intensity ng kilig na na-feel niya nang nakapanayam niya noon ang Venezuelan hunk actor na si Fernando Carillo.
Si Fernando ay sumikat nang bonggang-bongga sa Pilipinas nang ipalabas dito ang Tagalized version ng Mexicanovela na “Rosalinda” kasama si Thalia.
Nakilala nang personal ng TV host ang aktor noong 2000 nang bumisita ito sa bansa pero inamin niyang wala siyang masyadong kilig na naramdaman.
“Hindi kasi ako masyadong kinikilig sa sobrang pogi. Type ko talaga ‘yung Pinoy. Gusto ko talaga Pinoy,” chika ni Korina.
Kung matatandaan, sa isang panayam ay sinabi ng “Rated K” host na nag-date sila noon ni Fernando pero hindi umabot sa seryosong relasyon.
“We dated, pero walang nangyari doon. None. Natakot ako. We had a date, and at the end of that date, nagkakaripas ako ng takbo papasok ng kotse ko to leave. Na-tense ako, e,” natatawa pang pagbabalik-tanaw ni Korina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending