outbrain

Sunshine reynang-reyna sa Ecuador dahil sa mga teleserye ng GMA

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Sunshine reynang-reyna sa Ecuador dahil sa mga teleserye ng GMA

By Ervin Santiago September 16,2020 - 09:31 AM

 

GRABE pala ang kasikatan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa Ecuador.

Talagang “reyna” at super idol ang turing nila sa lead star ng afternoon drama series ng GMA 7 na “Magkaagaw”.

Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon si Sunshine na makilala at makachikahan ang ilan sa mga supporters niya sa Ecuador sa pamamagitan
ng online fan meeting via ZOOM call.

Siyempre, masayang-masaya ang Kapuso star nang malaman na maraming natutuwa at sumusubaybay sa mga teleserye niya sa ipinalalabas sa
Ecuador.

At isa nga sa talagang nag-hit nang todo roon ay ang top-rating drama series na “Ika-6 Na Utos” kung saan nakasama niya sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon.

Pagkatapos nga ng ginanap na fan meet with her Ecuadorian fans, mas lalo pang na-touch si Sunshine dahil sa ipinadalang bouquet of roses at cake ng kanyang tagasuporta mula sa Ecuador.

Bukod dito, may sulat din sila para kay Shine. Narito ang kabuuang mensahe nila sa aktres.

“Please accept these gifts as a thank you for giving us the opportunity of meeting you via ZOOM call. We never thought in a million years that it would happen.

“We adore you as an actress, as a mom, and your personality as a whole. We hope to meet you again and you’ll have the chance to visit our country someday.

“In our country, we say that a well-rounded actress can be a great writer. So one day, we are looking forward to reading some of your books whichever genre it may be.

“We want to let you know that you’re such an inspiration to us, especially to the women and even the younger generations.

“We love you so much and you will forever be our queen.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending