Tambalang Alden-Jasmine tuloy na tuloy na; Mark, Jose Mari Chan sumugod sa 'TBATS' | Bandera

Tambalang Alden-Jasmine tuloy na tuloy na; Mark, Jose Mari Chan sumugod sa ‘TBATS’

Ervin Santiago |September 13,2020
facebook
share this

Tambalang Alden-Jasmine tuloy na tuloy na; Mark, Jose Mari Chan sumugod sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - September 13, 2020 - 03:29 PM

 

MUKHANG ilang araw pang hindi mapapanood nang live ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa Eat Bulaga.

 

Bukod kasi sa bago niyang programa sa GMA 7 na “Lockdown: Food Diaries”, sumabak na rin ang Kapuso hearrthrob sa taping ng “I Can See You”.

 

Ito ang bagong ipinagmamalaking mini-series ng Kapuso Network na mapapanood na very soon.

 

Makakatambal ni Alden sa episode na “Love in the Balcony” ng “I Can See You” ang award-winning actress na si Jasmine Curtis-Smith. Makakasama rin nila rito si Pancho Magno.

 

Nagsimula na ang taping nila matapos ang kanilang pagpapa-COVID test at self-quarantine. Siniguro naman ng production na patuloy na sinusunod ang napakahigpit na safety and health protocols sa lahat ng taping ngayon ng Kapuso shows.

 

In fairness kay Jasmine, talagang hataw din siya sa pagtatrabaho dahil after ng halos two weeks nilang taping para sa “Descendants of The Sun” ay heto’t meron pa siyang “I Can See You.”

 

At sa mga fans naman ng Pambansang Bae, marahil pagkatapos ng taping nila ni Jasmine ay pwede na siyang makabalik sa Eat Bulaga.

Pero siyempre, kailangan uli niyang mag-quarantine bago mag-report sa EB Studio para masigurong wala siyang dalang virus.

 

* * *

Siguradong fresh at hot na hot ang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo ng gabi dahil sasalang sa nakakaintrigang Q&A ang Kapuso singer na si Mark Bautista.

 

Uupo si Mark sa hot seat ng “Feeling the Blank” segment kung saan haharapin niya ang mga kotrobersyal na tanong nina Boobay at Tekla.

 

Ipakikita rin niya ang improvisational skills sa segment na “Boobay and Tekla Presents…Si Malakas at si Maganda.”

 

Bukod kay Mark, bibisita rin ang ilang cast members ng “Descendants of the Sun PH” at “Encantadia.” At dahil “ber” months na, ramdam ang simoy ng Pasko sa pagdalaw ni Jose Mari Chan sa “TBATS” studio!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wag palalampasin ang “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending