Truth or fake: Janella buntis nga ba, si Markus ang ama? | Bandera

Truth or fake: Janella buntis nga ba, si Markus ang ama?

Reggee Bonoan |September 13,2020
facebook
share this

Truth or fake: Janella buntis nga ba, si Markus ang ama?

Reggee Bonoan - September 13, 2020 - 02:43 PM

 

HINDI natupad ang pangarap ni Maja Salvador na magkatuluyan sina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Umamin na kasi si Janella na boyfriend na niya si Markus Patterson sa pamamagitan ng pagpo-post ng sweet photos nila ng young actor.

Sa ginanap na farewell presscon ng teleseryeng “The Killer Bride” nitong Pebrero ay nabanggit ni Maja na gusto niyang mag-level up sana ang tambalan nina Joshua at Janella.

“I’m rooting for them,” ang masayang sagot ni Maja sa tanong kung posibleng maging totohanan ang JoshNela loveteam.

Pero nabanggit namin na may ibang dumadalaw sa set ng “TKB” sa Lucena — si Markus nga na hindi naman daw nakikita ni Maja dahil, “Hindi ko alam, siguro hindi niya ipinakikita kasi naka-Camila (role sa serye) mode ako.”

Kaya tinanong ulit ang aktres kung boto siya kay Markus para sa pamangkin niya, “Huh? Bakit ako may tanong na ganyan? Ako kung saan masaya ang lahat.”

Anyway, duda namin ay mahigit isang taon na ang relasyon nina Markus at Janella dahil Mayo 2019 palang ay maugong na ang balitang sila na at tanda namin na tinanong namin ang manager ng aktres na si Direk Manny Valera tungkol dito ay sinagot kami ng, “Sila ang tanungin mo, Reggee, ‘wag ako.”

Sa tanong namin kay Janella ang sagot sa amin ay, “What you see is what you get.”

Nang huli naman naming makausap si Markus sa presscon ng iWant digital series na “Kargo” ay nakiusap ang binata na ‘wag nang pag-usapan si Janella dahil hindi naman ito kasama sa series, pero sinabi niyang madalas silang magkasama at masaya sila.

Samantala, trulili kaya ang tsikang buntis si Janella kaya umamin na sila ni Markus?

Ito’y base na rin sa narinig naming sinabi ng aktres sa live video ni Markus sa kanyang Instagram stories na, “Oh my God! I almost jumped, and that’s not good. I’m not allowed to jump.”

May mga supporters ang aktres na nagsasabing huwag munang maniwala sa mga balitang buntis ito, hintayin na lang daw kung ano ang magiging announcement ng dalaga.

Bukas ang pahinang ito sa gagawing paglilinaw nina Markus at Janella tungkol dito. Agad naming ilalabas ang kanilang magiging pahayag.
 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending