Hirit ni Zoren kay Vico: Tatakbo akong mayor, maglalaban tayo...hindi, loko lang! | Bandera

Hirit ni Zoren kay Vico: Tatakbo akong mayor, maglalaban tayo…hindi, loko lang!

Ervin Santiago |September 13,2020
facebook
share this

Hirit ni Zoren kay Vico: Tatakbo akong mayor, maglalaban tayo…hindi, loko lang!

Ervin Santiago - September 13, 2020 - 11:35 AM

 

GAME na game na sumabak ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa walang kamatayang “Jojowain o Totropahin” challenge.

Aliw na aliw ang mga netizens habang pinanonood ang Kapuso couple sa bago nilang paandar na vlog kasama ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Muling humarap ang Legaspi family sa publiko sa pamamagitan ng YouTube video kung saan kumasa sina Zoren at Carmina sa usung-uso ngayong “Jojowain o Totropahin” challenge.

Naglista ng mga pangalan si Cassy at salitang sinagot ng kanyang parents kung gusto nilang maging jowa ang mga ito kung sila’y single pa o hanggang friendship lang.

Ilan sa nga jojowain ni Zoren ay sina Aiko Melendez, Solenn Heussaff at Pia Wurtzbach kaya ang reaksyon ni Carmina ay, “Ang dami mo nang jojowain, ha!”

Para naman kay Mina, jowa material sa kanya sina Ian Veneracion, John Lloyd Cruz at Vico Sotto. Nakita raw kasi niya sa mga ito ang ilang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.

Sa isang bahagi ng video, akting na akting si Zoren na kunwari’y nagalit nang sagutin ni Carmina ng “jojowain” nang banggitin ni Cassy ang pangalan ni Ian.

Hirit ni Zoren na mataas na ang boses, “Bakit hindi na lang kayo ang magkatuluyan? Kayo na ang maglaro diyan, ‘yan ang sinasabi ko kaya ayoko maglaro, eh.”

Sinabayan pa ito ng aktor ng pagwo-walkout. Pero bumalik din siya agad at sinabing magkaibigan talaga sila sa tunay na buhay ni Ian.

Inamin din ni Carmina na kung bata pa siya at single ngayon ay hindi siya magdadalawang-isip na jowain si Pasig City Mayor Vico Sotto.

 

Dito, muling naggalit-galitan si Zoren at nagbiro ng, “Dahil diyan tatakbo akong mayor, maglalaban tayo! Hindi, loko lang.”

 

Inamin ng aktor na may plano talaga siya noong tumakbo sa Pasig dahil gusto niya ng pagbabago sa kanilang lugar.

 

“Pero kung tulad nga ni Mayor Vico ang nasa posisyon, bakit mo pa kakalabanin. He’s doing ang good job at nakikita naman ng lahat na talagang nagtatrabaho siya at napakami nang nagawang pagbabago,” seryosong pahayag ni Zoren.

 

Ilan naman sa mga celebrities na nabanggit ni Cassy na totropahin ng kanyang tatay ay sina Ara Mina, Sheryl Cruz, Ina Raymundo, Heart Evangelista at Bea Alonzo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Tropa rin ang turing ni Mina kina Richard Gomez, John Estrada at Piolo Pascual.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending