Jennylyn, Dennis namigay ng medical supply sa ospital; nag-sorry sa healthcare workers
NAG-SORRY ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa lahat ng health care workers na patuloy na nagbubuwis ng buhay ngayong panahon ng pandemya.
Alam kasi ni Jen na hindi natatanggap ng mga bayaning frontliners ang karapat-dapat na sweldo at benepisyo para sa ibinibigay nilang serbisyo sa publiko.
Kamakailan ay nagbigay ng donasyon ang aktres kasama ang boyfriend niyang si Dennis Trillo sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.
Kahun-kahong face mask, face shield at sanitation supplies tulad ng alcohol at hand soap ang ibinigay ng Kapuso couple sa nasabing hospital para sa mga health care workers.
Sa Facebook page ni Jennylyn, makikita ang mga ipinadala nilang mga package na naglalaman ng mga medical supplies. Kasama rin dito ang sulat ng aktres para sa mga frontliners.
Ayon sa lead actress ng Kapuso series na “Descendants of the Sun” hindi sapat ang donasyon at pasasalamat para sa ginagawang sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng health care workers para labanan ang COVID.
Ani Jen, “Thank you so much for all the work you’ve been doing. Words can’t express how thankful we all are for you. Without you, this war against COVID would have been over.
“We would have been defeated. You gave us a fighting chance. You saved so many lives. You are so tired and yet you continue.
“You deserve so much better than what you are given. I am sorry for that. You are worth more than what is given to you,” bahagi ng liham ng aktres.
Kung matatandaan, isa si Jennylyn sa mga nakisimpatya sa mga nurse ng Philippine General Hospital nang hilingin nila ang mandatory COVID-19 testing at “better work schedules” para mas maging epektibo at ligtas ang kanilang pagtatrabaho.
“Nakakadismaya na kailangan pa talaga nila mag-demand sa mga bagay na dapat kusang ibinibigay sa kanila,” tweet ni Jennylyn kasabay ng panawagan na mas bigyan pa ng karagdagang atensyon ang health care workers para masiguro ang kanilang kaligtasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.