Bantayan airport sa Cebu, malapit nang buksan
Malapit nang buksan ang Bantayan Airport sa isla ng Bantayan sa Cebu.
Ayon kay Steve Dicdican, general manager ng Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), halos 50 porsyento na ang natatapos sa proyekto.
Nitong Sabado, tumungo si Dicdican sa isla para mag-inspeksyon at alamin ang estado ng itinatayong paliparan.
Kabilang sa proyekto ang pagdudugtong at pagtatapos sa runway, na sa ngayon ay 70 porsyento nang tapos, habang ang perimeter fence naman ay 30 prosyento nang tapos.
Sinabi ni Dicdican na makakamit ng proyekto ang target nitong pagtatapos ng konstruksyon ngayong Disyembre.
“Bantayan is indeed a beautiful place, so we have to make our airport beautiful as well,” ani Dicdican.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.