Janella at Markus, umamin na rin sa wakas; fans kinilig | Bandera

Janella at Markus, umamin na rin sa wakas; fans kinilig

Karlos Bautista |September 13,2020
facebook
share this

Janella at Markus, umamin na rin sa wakas; fans kinilig

Karlos Bautista - September 13, 2020 - 12:01 AM

Mula sa Twitter account ni Janella Salvador

Sa magkahiwalay na sweet tweets ngayong Sabado, kinumpirma sa wakas nina Janella Salvador at Markus Paterson ang matagal nang hinala ng lahat–sila na nga!

Naunang nag-post si Markus ng video.

Sa saliw ng 1972 soul music na “Me and Mrs. Jones” na unang pinasikat ni Billy Paul, magkayakap na sumasayaw ang dalawa.

Masuyo pang hinalikan ni Markus sa labi ang Kapamilya actress sa 26-segundong video clip.

At matapos ang pitong oras mula nang ito ay i-post ng Filipino-British singer-actor,  pinusuan ng kanilang fans ang tweet ng mahigit sa 90,000 beses.

Sumunod naman ay ang tweet ni Janella. Isa itong black and white na litrato kung saan magkayakap ang dalawa at may caption na: “The best hugs in the world from the best potato in the world.”

Bagama’t madalas silang nakikitang magkasama, hindi nila itinanggi pero hindi rin nila inaamin dati na may namamagitan sa kanila.

Sa panayam sa “Tonight With Boy Abunda” noong Oktubre 2019, tinanong si Markus ni Tito Boy: “Kayo na ba ni Janella? Oo o hindi?”

At ang sagot ni Markus: “What we have is between us, and we want to keep it that way. Obviously because she said she didn’t want to have a relationship with the world.”

Kaya naman sa kanilang biglang pag-amin ay kilig na kilig ang kanilang mga fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending