Nadine Samonte bagong ‘danggit & dilis’ queen: Hindi ako nahihiya magbenta nito
D&D QUEEN! O ang bagong reyna ng danggit at dilis!
Yan ang bansag ngayon ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa dating Kapuso actress na si Nadine Samonte.
Sa hirap ng buhay ngayon na mas pinalala pa ng COVID-19 pandemic, parami rin nang parami ang mga showbiz personalities na pumapasok sa online business at iba pang (legal) na raket.
Isa na nga riyan si Nadine na bukod sa pagbebenta ng personal line ng kanyang beauty products ay pinasok na rin ang dried fish business.
Buong pagmamalaki itong ibinandera ng aktres sa kanyang Instagram at sinabing hindi siya nahihiya na magbenta ng danggit at dilis.
“Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap why?
“Actually matagal na ko bumibili niyan and lagi kami meron dito sa house kasi fave din ni Heather ang danggit and dilis,” simulang pahayag ni Nadine sa kanyang caption.
“Etong mga dried fishes na to are fresh from Masbate tapos unsalted lahat kaya masarap.
“We sell by batches etong mga andito ngayon lahat sold out na po. We will post next batch availability and prices.
“We have danggit, sweet pusit, palad flakes, big dilis boneless and small dilis. Lahat hindi maalat and fresh from Masbate pa talaga kaya malinamnam hehe.”
“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga.
“Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and dilis hahaha,” lahad pa ni Nadine.
Bumuhos naman ang suporta ng netizens sa aktres at nagsabing bilib na bilib sila sa sipag at tiyaga ng dating Starstruck Avenger para kapakanan ng kanyang pamilya.
Sa katunayan, napakarami nang nag-inquire sa bago niyang negosyo na gustong bumili at maging resellers niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.