Kris ipinagpalit sa iba: Move on na tayo, the fact na COVID-free kami ni Bimby grateful na 'ko | Bandera

Kris ipinagpalit sa iba: Move on na tayo, the fact na COVID-free kami ni Bimby grateful na ‘ko

Ervin Santiago - September 09, 2020 - 12:28 PM

 

 

 

“HINDI siguro talaga meant to be.”

 

Naniniwala si Kris Aquino na may dahilan kung bakit hindi na natuloy ang bago niyang talk show sa TV5.

Muling nagparamdam ang TV host-actress sa kanyang fans and supporters sa social media makalipas ang ilang linggong pananahimik.

Nag-deactivate si Kris ng Instagram page matapos mabalitang hindi na ipalalabas ang gagawin sana niyang talk show sa Kapatid Network.

Ito’y para maiwasan na rin ang tsismis at intriga tungkol sa nasabing issue at para hindi na rin makagulo sa isip ni Tetay ang magiging reaksyon ng madlang pipol.

Sa kanyang official Facebook account, muling nag-post si Kris ng update tungkol sa kanyang personal na buhay.

Dito nga niya ibinalita na negative ang COVID-19 test na isinagawa sa kanila ni Bimby matapos tamaan ng killer virus ang apat na taong regular nilang nakakasalamuha sa bahay.

Mabuti na lang daw at nasa Tarlac na si Joshua nang magkaroon sila ng exposure sa mga kasamahan nilang nag-positive sa virus.

 

“I still battling this cruel virus. We all got the swab test August 15, Kuya Josh was thankfully in Tarlac during the time of exposure so, he and his companion weren’t at risk,” ani Kris.

 

Tungkol naman sa tila mailap na pagkakataon para makabalik siya sa telebisyon, hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asa pero aniya, mas pagtutuunan na lang muna niya ng pansin ang kalusugan nilang mag-iina.

“I would like to believe that I’m now a glass half full type of person – I no longer wish to focus on what’s not given, rather I am so very grateful for blessings, and YES, our health is the most precious one.

“I continue to have faith there will be opportunities – all in God’s perfect timing,” lahad pa ng award-winning TV host.

Samantala, sinagot naman ni Kris ang ilang comments ng kanyang mga fans na nanghihinayang sa chance na mapanood sana siya uli sa TV.

“I need a Fit to Work clearance. I have had some autoimmune flares during this pandemic so I’m being cautious—obeying my doctors.

“Hopefully when I get my next blood panel in a couple of weeks gumanda na ang numbers ko. Mahirap mag-risk, especially after our close call. Kaya obedient talaga ako,” pahayag ni Tetay.

Sinagot din niya ang netizen na nag-comment sa sinabi niyang, “My hope for TV comeback isn’t happening, the producer chose somebody else. He and his sales team felt was more viable. No sugarcoating from me, you’re getting the honest truth.”

Sabi ng netizen, “They let go of the most valuable asset they could have ever acquired in their lifetime” na ang tinutukoy nga ay ang mga taong nagdesisyon na palitan na siya sa kanilang project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Reply sa kanya ng TV host-actress-digital influencer, “Honest, hindi ko na dinibdib kasi hindi siguro talaga meant to be.

“And I wanted to at least be able to move on without pretending it was anything else. Pero move on na tayo. The fact na COVID-free kami ni Bimby grateful na ako.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending