Pia tinawag na 'walang utak' ng basher: Atupagin mo na lang bago mong dyowa | Bandera

Pia tinawag na ‘walang utak’ ng basher: Atupagin mo na lang bago mong dyowa

Ervin Santiago - September 09, 2020 - 10:49 AM

 

 

“BINUGBOG” ng mga bashers sa social media si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ito’y dahil sa naging pagkontra niya sa pagbibigay ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerikanong sundalong si Joseph Scott Pemberton na na-convict sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Bukod dito, nanawagan din ang beauty queen-actress sa publiko na magparehistro na para makaboto sa 2022 national elections at makapili ng mga bagong leader ng bansa.

Kung maraming sumang-ayon sa mga pahayag ni Pia hinggil sa mga national at social issues sa bansa, may mga nambasag din sa trip ng dalaga.

Kung anu-anong masasama at malilisyosong salita ang ibinato sa kanya ng mga haters, may ilan pa ngang idinamay pa ang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Sa tweet ng Kapamilya actress, sinabi niyang hindi na siya affected sa mga pang-ookray at pambabatikos ng mga bashers, sanay na sanay na raw siya dito mula pa noon.

“Pagbukas ko ng Twitter ko nagdagsaan na naman ang ‘yung mga bashers.

“Sanay na sanay na po ako sa ganito. Noon pa man ay bina-bash na ‘ko, even before Miss U.

“I learned that you should never be afraid to speak your mind especially when you know it’s right,” bwelta ni Pia.

May isa namang netizen ang nagkomento ng, “Atupagin mo yong bago mong jowa Pia, dahil bukod sa mukha mo at papaya wala kang utak.

 

“Magbilang ka na lang ng mga oten dahil sa bilis ng pagpalit mo ng boyfriend ay sya namang kasing hina ng utak mo,” hirit pa ng hater ni Pia.

Pero mukhang wala nang panahong makipagsagutan ang beauty queen sa hater kaya ang tanging naging tugon niya rito ay, “Kaloka”.

 

Bago nga ito, naglabas ng pagkadismaya si Pia sa mga balitang nababasa niya ngayon tungkol sa mga kaganapan sa Pilipinas, kabilang na ang pagpapalaya kay Pemberton.

Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi nalang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay … Eto nalang, let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Useful information! Please lahat tayo dapat mag register na maging voter. Bawat isa sa atin.

“Hindi na sapat na sa social media lang tayo naririnig. Our voices need to be heard through our votes. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending