Starla, Wansa, Hiraya Manawari, Mathdali pasok sa 'Just Love Kids' ng ABS-CBN | Bandera

Starla, Wansa, Hiraya Manawari, Mathdali pasok sa ‘Just Love Kids’ ng ABS-CBN

Ervin Santiago |September 09,2020
facebook
share this

Starla, Wansa, Hiraya Manawari, Mathdali pasok sa ‘Just Love Kids’ ng ABS-CBN

Ervin Santiago - September 09, 2020 - 09:34 AM

 

 

HANDOG ng ABS-CBN ang mga programang may hatid kaalaman at libangan para sa mga bata sa bagong morning block ng Kapamilya Channel.

Mapapanood din ang mga ito anumang oras sa online portal na pinamagatang “Just Love Kids.”

Bukod dito, hatid din ng network ang patok na Star Magic online workshops para sa mga batang nagnanais hinangin ang kanilang mga talento habang nasa kanilang tahanan.

Simula Biyernes (Sept. 11), mapapanood na ang mga bago at minahal na child-friendly Kapamilya program nang libre sa “Just Love Kids” online portal.

Magsisimula naman ang Just Love Kids block sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV simula Sept. 12 tampok ang “Robo Car Poli,” “Adventures of Tom Sawyer,” “Pop Babies,” at “Team YeY” tuwing Sabado simula 6 am at ang “Wikaharian, “MathDali” (hosted by Robi Domingo) “Bayani,” at “Hiraya Manawari” tuwing Linggo simula 7 a.m..

“Isang one-stop shop platform ang Just Love Kids na naglalayong maghatid sa mga magulang ng multimedia content na may dalang impormasyon, libangan, at laro para sa mga bata,” ayon kay Red Lasam-Escueta, Kids Digital Content head ng ABS-CBN.

“Magbibigay din ang Just Love Kids ng printable worksheets at iba pang gawain upang ma-engganyo ang mga bata sa paggawa kasama ang kanilang mga magulang,” dagdag ni Red.

Kabilang din sa mga tampok na palabas sa portal ang mga educational show mula sa Knowledge Channel na nakaangkla sa curriculum ng DepEd at Kapamilya programs na nagtuturo ng kabutihang asal at pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at sa pananampalataya tulad ng “Wansapanataym,” “Starla” ni Judy Ann Santos at “100 Days to Heaven” nina Jodi Sta. Maria at Coney Reyes.

Tiyak na matutuwa rin silang mapanood ang kanilang paboritong palabas mula sa YEY channel tulad ng “Team YEY” at “Pororo,” at iWantTFC originals tulad ng “Jet and the Pet Rangers.”

Sa pamamagitan ng Just Love Kids platform, pwede na ring magrehistro para sa virtual classes sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte hatid ng Star Magic Workshops.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Just Love Kids ang pinakabagong adisyon sa digital ventures ng ABS-CBN matapos ang introduksyon ng Kapamilya Online Live kung saan pwedeng mapanood ang mga luma at bagong programa ng ABS-CBN, ang online kids channel na TuTuBee, at mga digital event ng KTX.ph para maabot ang mas marami pang Pilipinong manonood pagkatapos na madenay ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 10.

Bisitahin ang Just Love Kids online edutainment hub sa justlovekids.abs-cbn.com simula ngayong Biyernes (Sept. 11), at tumutok sa Just Love Kids morning block tuwing weekend sa Kapamilya Channel simula sa Sabado (Sept. 12).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending