Korina maserbisyong asawa: Gusto kong sumiksik na lang sa kili-kili ng asawa ko | Bandera

Korina maserbisyong asawa: Gusto kong sumiksik na lang sa kili-kili ng asawa ko

Ervin Santiago - September 08, 2020 - 10:18 AM

 

ALAM n’yo bang engaged na si Korina Sanchez noon sa dati niyang boyfriend nang magkaroon siya ng interes kay dating Sen. Mar Roxas?

Inamin ng veteran broadcast journalist na nagpagawa na siya ng wedding gown that time ngunit mukhang pinagtagpo lang sila ng nasabing lalaki pero hindi itinadhana.

“We were always fighting and I was doubting and I said, ‘Wow this is a very important decision. I have to be super duper sure,’” ani Korina sa panayam ng “I Feel U” ni Toni Gonzaga.

Sey pa ng “Rated K” host, may nabasa raw siyang isang article tungkol kay Mar Roxas na nakakuha agad ng kanyang atensyon.

“So why is it that when I read an article about Mar Roxas, parang I want to meet this guy. Teka muna, there’s something here. That’s just an article in a newspaper,” chika ni Korina.

Feeling daw niya, siya ang tinutukoy ng politician sa paglalarawan nito sa kanyang ideal woman sa nasabing newspaper article.

“Sabi niya sa ideal woman niya, ‘I want a woman to be independent. I want her to have her own life. I want her to be able to do things apart from me.’

“Sabi ko bakit parang dini-describe niya ako? For some reason, na-interview ko siya one time but I had a boyfriend, he had a girlfriend. And ayun, parang nagsimula na doon,” pagbabalik-tanaw ng award-winning broadcast journalist.

Pagpapatuloy pa niyang kuwento, “When he asked me out on a date, nag-usap kami and then hindi na kami nagkita ulit. Aba walang follow-up. Na-turn off yata sa akin ito.”

Pero makalipas ang isang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana, “Exactly one year later, tumawag siya ulit. Nasa America siya, ako nasa Pilipinas.

“Magha-Happy New Year lang siya. Sabi ko, aba okay ito, ah. So pagbalik niya ng Pilipinas, nag-date kami ulit. Ayun, tuloy tuloy na iyon,” pahayag pa niya.

Samantala, natanong din ni Toni si Korina kung anong klase na siyang asawa, at dito nga diretsahang sinabi ng TV host na isa siyang “submissive wife.”

“All my friends are in disbelief. Hindi sila makapaniwala kapag napapanood nila ako dito sa bahay.

“Kapag nagmi-meeting ako dito, dadating si Mar, ‘Can I talk to you for a moment?’ Alam mo iiwan ko ‘yung meeting ko. I am very submissive to my partner.

“I’ve always been very maserbisyo. I’ve always been very submissive. Kasi at work, ako lahat ang nagdidikta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako lahat yung, ‘Ito gagawin natin susunod. Ito ngayon ang gagawin natin.’ My personal life, gusto kong sumiksik na lang sa kili-kili ng asawa ko,” natatawa pang lahad ng misis ni Mar Roxas.

Kung matatandaan, ikinasal ang mag-asawa noong 2009 at ngayon ay super happy na rin sila kapiling ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending