Pokwang napaiyak, yaya ni Malia hindi na babalik…bakit kaya?
IYAK nang iyak ang TV host-comedienne na si Pokwang nang ibahagi niya sa kanyang vlog na hindi na babalik ang yaya ng anak niyang si Malia.
Emosyonal na ibinalita ni Pokey kasama ang asawang si Lee O’Brian na nagdesisyon daw ang Yaya Gina ni Malia na hindi na itutuloy ang pagtatrabaho nito sa kanila dahil na rin sa pandemya.
Sa latest vlog ni Pokey, sinabi nito na naiintindihan niya ang sitwasyon ni Yaya Gina kaya tinanggap na lang niya ang resignation nito kahit na masakit sa kanyang kalooban.
Kung matatandaan, pinauwi muna niya ang kanyang mga kasambahay bago magsimula ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic. Ito’y para makasama rin nila ang kani-kanilang pamilya.
“Nag-decide ako na pauwiin sila kahit hindi siya nagsasabi. But I can feel as a mother. I understand. And alam ko ‘yung nag-aalala sila sa pamilya nila especially Yaya Gina.
“Meron siyang three years old na anak. Mas matanda lang kay Malia ng halos one year,” lahad ni Pokwang.
Ayon naman sa asawa niyang si Lee, “We like Gina. Gina is a good yaya. She’s very thoughtful, very hands on to Malia. And you know, we can really trust her.
“She’s just really focused on taking care of Malia. It made us really feel comfortable and it gave us assurance that if we were seeing Malia and watching her, at least we know she is good hands being taken care of,” anito.
Pahayag pa ni Pokwang, “Nakakalungkot kailangan namin tanggapin na hindi na makakabalik si yaya Gina ni Malia dahil kailangan niyang tutukan ang mga maliit niyang anak sa ilalim ng pandemia na ito.
“At nauunawaan ko naman bilang isang ina. Maraming salamat yaya Gina, bukas lagi ang aming tahanan para sa ‘yo,” mensahe pa ng komedyana.
Samantala, ibinahagi rin ni Pokwang sa kanyang mga YouTube subscribers kung paano naman nila sinalubong ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na siyang magiging kapalit ni Yaya Gina.
Ipinagluto rin siya ni Pokwang ng pancit dahil birthday nito, “Ang daming naging epekto nitong pandemic na to sa ating lahat, at siyempre sa pamilya namin, may mga bagay at tao na kailangan namin i-let go para sa ikabubuti nila.
“Gayunpaman, may mga bagong tao din tayong wine-welcome sa ating bahay at gusto din naman namin na maramdaman nila na parte sila ng aming pamilya,” chika pa ni Pokwang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.